Ayon sa atin may mga tao talagang matulungin at taos pusong binibigay ang kanyang kakayahan para lamang maibalik ang kabutihan na ginawa ng kapwa sakanya. Hindi man nila kalahi o kadugo ngunit tumatak na sa puso ay Filipino.
Tulad nalang ng mag asawang si Raymund at Reche Adopante na talagang hahangaan mo dahil sakanilang pagiging taos pusong pagtulong sa kanilang kapwa kahit na hindi nila kadugo o kalahi pinatuloy at tinulungan nila ito.


Dahil nga ang lalaking ito, ay naipit o na stranded sa ating bansa dahil sa Community Quarantine at ang pangalan nito ay si Dustin.

Karamihan nga ang naipit o na stranded na ibang lahi dito sa ating bansa kaya naman sa swerte ni Dustin napunta siya sa mag asawang Adopante na handang tumulong at patuluyin sa kanilang tirahan.

Taong 2016 nung napunta sa Cebu si Dustin. Siya ay nagandahan at nasiyahan sa kanyang mga nakitang tanawin.

At dahil nga siya ay nagandahan agad niya itong binalik netong 2020, Ngunit hindi niya inaasahan na biglang nag balita ang Gobyerno ng Enchanced Community Quarantine o Lockdown sa bawat lugar dahil nga sa nangyayaring Pandemya.


Dahil nga dito ay kinailangan ni Dustin ng matutuluyan at taos puso itong tinanggap at pinatuloy ni Reymund at Reche Adopante.

Ayon naman sa mag asawang Adopante ay walang anuman daw ang pagtulong nila kay Dustin sa kanilang tahanan. at hindi rin naman nila hinihingan o iniisip na may kapalit ang mga ito.

At dahil nga sa pagkupkup nila kay Dustin hindi nila inaasahan na bibigyan o ibabalik pala ni Dustin ang kanilang kabutihan na binigay nila sa amekanong ito.

Ipinaayos ni Dustin ang kanila tiraha o tahanan at pinagawaan ng public CR para sa komunidad kung saan nakatayo ang Bahay ng mag-asawang Adopante.

Ayon nga kay Dustin nais nyang lagyan ng Toilet o palikuran ang mga tao doon, Dahil nga hindi kaya ng mga tao makapag patayo o magkaroon nito.

Hindi lamang ang mag asawa ang nabiyayaan namigay din si Dustin sa mga tao doon namahagi siya ng pera at pangangailangan ng mga tao doon dahil nga sa kasagsagan ng pandemya Dahil nga sa laki ng kinikita neto sa pagiging Vlogger. Itong isang taong ito ang nag papatotoo na “Pag ikaw ay mabuti sa kapwa, Biyaya ang siyang babalik sayo”