Sa kabila ng kinahaharap na problema ng lahat may mga tao parin na likas na ang pagiging matulungin sa kapwa. Mga taong ginagawang Instrumento ng Panginoon para tumulong sa mga taong nangangailangan nito. Tumutulong na walang hinihinging kapalit o gantimpala.

Kahit pa ang minsan ay maiisip mong napakasalimoot ng mundo pero mayroon parin mga taong ikaw ay mapapahanga at maiiyak dahil sa kanilang busilak na kalooban.

Isang halimbawa na diyan ay ang kabayanihan ng isang cashier na ito kung saan tinulungan niya ang isang matanda na makauwi ng ligtas sa bahay nito.

Ayon sa post na ikinwento na may Facebook user na Xiao Xuan, nang mga oras daw na iyon ay kasama niya ang kanyang anak sa isang convenience store sa Taiwan upang mag-almusal nang makita niya ang isang matanda na naka diaper sa naturang store.


Ang nakakaawa raw na matanda ay naka suot lamang na diaper at pumunta sa naturang store upang bumili ng ilang bote ng gatas. Ngunit ayon sa Cashier hindi daw maaaring bumili ng ganoong karami na gatas.

Nagtanong naman si Xuan sa cashier kung ano ang nangyari at dito niya nalaman na ang matandang lalaki pala ay regular customer ng naturang store at ito ay may karamdaman na Alzheimer`s Disease. Sinabi rin daw ng cashier na hindi raw kayang ubusin ng matanda ang ganoong karaming gatas at bukod dito ay hindi rin daw sasapat ang pambayad nito.

Samantala, Napagdesisyunan naman ng cashier na bigyan na lang ang matanda ng isang malaking bote ng gatas .

OK, you can only buy this big bottle of milk. You cannot buy those small bottles, or else you won’t be able to finish them.” ayon sa cashier.

Matapos bigyan at bilhan ng gatas ng cashier ang Matandang lalaki, sinundan ng Cashier ang matanda hanggang ito ay nasa labas. Ayon naman sa Cashier kaya pala niya ito sinundan hanggang sa bahay nito ay para masigurado na ito ay makakauwing ligtas .


At ang higit pa na nakakamangha sa cashier ay hindi lamang ito minsan ginawa ng cashier dahil ito ay regular niyang sinasamahan na makauwi ang matanda para masiguro lang na ito ay ligtas.

Dahil sa naging post na ito ni Xuan,Maraming mga netizens ang humahanga at bumilib sa kabayanihan at kabaitan ng naturang Cashier naway maging halimbawa daw ito para sa marami na tumulong sa mga taong labis na nangangailangan.