Laking gulat ng mga residente ng Casiguran, Aurora ang sa kanilay bumungad na sandamakmak na Shirmp Krill, ito ang uri ng shrimp kriill na ginagawang alamang o kaya naman ay Okoy.

Ang mga residente ay hindi makapaniwala sa kanilang nakita pahapon daw na iyon ng mapansin nila na parang may maliliit na shrimp krill sa dalampasigan, noong una ay hinayaan raw lang nila ito at binalewala ngunit ilang oras ang nakalipas ay sandamakmak na ang mga shrimp krill sa dalampasigan.

Kwento naman ng isang residente sa dalampasigan. “Nagulat po ako kasi balak ko lang po talagang ipakita sa mga tinag ko kasi hindi pa po sila nakakita ng ganyan”.


Ibinahagi rin ng concerned citizen ang ilang larawan sa social media kung saan makikita na ang buong dalampasigan ay may mga shrimp krill.

Tuwang-tuwa naman ang mga residente na taga rito sa sandamakmak na shrimp krill masarap din raw ito gawing Okoy at bagoong alamang.

May mga nagsasabi rin na mga taga Casiguran, Aurora na bigay daw ito ng nasa itaas bilang biyaya ng karagatan.

Ngunit may mga nangangamba rin na mga residente dahil ngayon lang daw ito nangyari sa kanilang lugar at baka raw ito ay may masamang pangitain.