Marami sa atin kabataang Pilipino ang lumaki sa poder ng ating mga lolo at lola. Ang karanasan na ito ay talaga masaya at tiyak ko namang marami ang sasang-ayon dito dahil ang pag-aalaga at pagkalinga na ating naranasan sa ating mga mahal na lola ay lolo ay isang karanasan na hindi natin malilimutan at ating babaunin pagtanda.

Kahit pa ang ating lolo at lola ay hindi ang ating mga pangunahing magulang ay hindi ito naging hadlang kailanman upang mabawasan ang pagmamahal at pagmamalasakit nila sa ating mga apo nila.


Kung kaya naman hindi nakakapagtaka o nakakagulat kung ipagmalaki ng isang apo ang kaniyang mahal na lolo o lola dahil sa wagas na pagmamahal nito sa kanya. Katulad na lamang ng kwento na ito na proud na proud isang apo sa kanyang lola.

Ibinahagi ni Arianne Marie Contreras sa kanyang twitter account kung gaano siya ja proud sa kanyang mahal na mahal na lola na kung tawagin niya ay Lola Mamay. Ang dalagang si Arianne mula sa lugar ng Masbate at ngayon ay isa siyang Grade 10 Student.

Sobra ang bilib at paghanga ni Arianne sa kanyang mahal na Lola dahil ayon dito ang kanyang Lola daw mismo ang gumawa at tumahi ng dress na kanyang isusuot sa kanilang Prom night.

Kwento ni Arianne sa kanyang social media post hindi niya mapigilan na ipagmalaki ang kanyang mahal na Lola sa araw ng kanilang prom. Dahil mismo daw ang kanyang lola ang gumawa nito at inabot ng ilang oras gawin ang napakagandang dress na hindi mo aakalain na ito ay ginawa sa halagang 120 pesos lamang.

Ayon pa kay Arianne ang ginawang dress daw ng kanyang lola para sa kanya ay dalawa, ang isa nga rito ay ang kulay “cream” na isang gown na revealing jacquemus dress na tulad ng sinuot ni Gigi Hadid sa ginanap na “Paris Fashion Week 2020”.


Kahit nasira pa nga daw ang makina na ginagamit ng kanyang Lola sa pananahi ay hindi daw ito naging hadlang upang hindi siya maigawa ng kanyang mahal na Lola. At dahil sa kwento na ito ni Arianne ay marami sa ating mga netizens ang nakarelate at namiss ang kanilang mga mahal na Lola at Lolo.

Isa din tong patunay na talagang walang ibang papantay sa pagmamahal ng ating mga Lolo at Lola sa ating mga apo nila. Kaya naman habang nariyan pa ang ating mga Lolo at Lola ay ipakita din natin kung gaano natin sila ka mahal at kung gaano tayo ka proud sa kanila katulad ng ginawa ni Arianne sa kanyang mahal na Lola.