Kasabay nang pagkakaroon ng community quarantine noong nakaraan taon ay sumikat at pumatok sa mga netizens ang pag-aalaga ng mga halaman na kung ang tawagin nga sa mga mahihilig dito ay ang mga Plantito at Plantita.

Samantala, maging ang mga kilalang celebrity ay naging mahilig mag-alaga ng mga halaman.

Bukod daw kaai sa nakakalibang ang pag-aalaga ng halaman ay maaari din itong pagkakitaan at pwede ring maging daan para umunlad sa buhay.

Isa sa mga sikat sa bansa na nahihilig sa halaman ay ang asawa ni Senator Manny Pacquiao na si Jinkee, kamakailan ay kanyang ipinasilip ang mga Koleksyon niyang halaman sa General Santos City.

Naging usap-usapan si Jinkee dahil sa kanyang mga koleksyong halaman at isa rin siya sa tinaguriang Plantita ng taon.

Ngayon ay muli niyang ipinasyal ang mga mata ng netizens sa napakalaking mansion nila sa probinsya ng General Santos City.

Sa napak sobrang laking mansion nila Jinkee at may nakapalibot dito na mga magagandang halaman na kahit sinong Plantito at Plantita ay tiyak na mabibighani sa sobrang dami at ganda ng mga ito.

Nagsimulang makita ng mga netizens ang loob ng mansion ng mga Pacquiao ay nang mag vlog ang isang sportscasters na kilala sa isang istasyon.

Bilang panauhin ng Pamilya Pacquiao hindi siya iniwanan ni Jinkee at sinamahan niya itong itour sa loob ng napaka-laking mansion.

Pahayag ni Jinkee, nagsimula daw dumami at mapalibutan ng mga halaman ang mansion ay noong nagsimula ang lockdown.

Malaki na rin daw ang ipinagbago ng mansion dahil sa mga malalaking bulalak na nagsipaglakihan.

Dati sa panayam kay Jinkee, kapag daw pumasok sa kanilang bahay ay makikita ang agad ipinapagawa nilang basketball court at isang Japanese style garden sa loob mismo ng Mansion ng mga Pacquiao.

Bukod kay Jinkee at sa sportscaster, kasama rin nila mag libot sa mansion ang mismong designer ng landscape na si Roize Royal.

Kwento ni Royal sa tuwing aalis daw ang Pambansang Kamao dahil may laban ito siya daw ay ipinapatawag ni Jinkee upang iparenovate ang buong garden para pag balik daw ni Senator Manny ay ibang tanawin naman ang makikita nito.