Tunay na nakakalula ang halagang ginagastos ng negosyanteng si Joel Cruz o mas kilala sa bilang Lord of Scents sa walong anak niya na nabuo sa pamamagitan ng surrøgacy, tinataya kasing umabot ng P52 Milion ang lahat lahat na kanyang gastos na isinagawa lahat sa bansang Russia kung saan legal ang ganitong paraan ng pagbubuntis.

Kamakailan lamang ay nakausap namin ang host/artist na si Ogie Diaz na nagsabing pinayuhan daw niya si Vice Ganda na mag-anak rin tulad ng ginawa ni Joel para hindi masayang ang mga naipundar nito.

Nito lamang Huwebes ay ini-upload na ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube Channel ang kanyang panayam kay Joel Cruz kung saan dito ikinuwento kung paano nabuo ang walong anak niya mula sa kanyang semilya at sa babaeng nagsilbing ina nga mga ito.

Photo via Joel Cruz Facebook Page

“Naisip ko talagang mag-anak pero hindi ko kayang may babae na sinasabi mo sa akin dati, di ba? Mga binubulong mo sa akin, natatandaan ko lahat ‘yun, bakla,” tumatawang bungad ni Joel.

Binanggit rin ni Ogie na kung hindi daw kaya makipagsiping ni Joel sa babae ay bakit ayaw nalang nito mag-ampon.

Aniya naman ni Joel, “Alam mo, ayaw ko talaga ng adoption. Gusto ko sarili kong anak kaya pinilit ko.

Na-inspire ako na marami kang anak, ang pagkakaiba lang natin, ikaw kaya mo (sumiping sa babae), ako hindi ko kaya, kaya naghanap ako ng surrøgacy.”

Ibinahagi din ni Joel na nung una raw ay sinubukan niya ang surrøgacy sa Pilipinas ngunit ito ay hindi naging succesfull at sobrang laki rin ng gastos.

Photo via Joel Cruz Facebook Page

“Unfortunately for three trials with Filipina mothers, lahat ‘yun unsuccessful, hindi kumapit sa kanila for two weeks or 15 days.

“Kaya 10 years ago nag-decide na ako na huwag nang gawin sa Philippines kasi parang ayaw dito saka bawal dito.

Ginawa ko na outside of the Philippines kung saan puwede ang single father which is legal sa Russia,” kuwento pa niya.

Ngunit bago pa daw matuloy ang surrøgacy at maraming dinaanang interview si Joel at agency kasama ang abogado nito na inalam kung may kakayahan bang sustentuhan ang gastos.

“They have to check kasi kung ano ang gagawin mo sa bata, baka mamaya ibenta mo ‘yung bata kaya maraming pag-uusap.

Kung alam nilang sincere ka at kaya mong bigyan ng magandang buhay ang bata, papayagan ka nila,” kuwento ni Joel kay Ogie.

Samantala, sa pamamagitan raw ng larawan ay napili ni Joel ang magiging Ina ng kanyang mga anak kung saan anroon ang background ng egg donor, medical history, character, edad ng babae, dapat daw ay nag ka-anak na ito ar normal delivery at hindi dapat lalampas ang edad sa 20-28 para daw maganda ang reproductive system nito.

“Sa pictures, napili ko siya (ina ng mga anak) kasi siya ‘yung pinakamatangkad, she’s 5’11 kasi maliit ako kaya gusto ko mataas para mahilang tumaas ang mga anak ko, maganda naman siya parang si Julia Roberts ang mukha niya and smart pero hindi ko siya nakausap hanggang picture lang. Ang request ko lang (bigyan siya ng update) pictures.

“Nag-request ako na pagkapanganak niya na siya muna ang mag-alaga for one and a half months bago ko iuwi kasi ang dami pang papers na inayos.”

Nabanggit rin dito ni Joel na ang egg céll na sumunod niyang kambal ay mula pa rin sa unang Ina ng kanyang kambal ngunit iba na ang nagbuntis dahil hindi na raw kumakapit ang mga sumusunod.

Ikinuwento rin ni Joel na maganda ang samahan nila ng Ina ng mga ito sinabi pa nga nito na naluluha pa raw kapag kukunin na niya ang mga bata.

“Maganda ang relationship namin ni Lilia (pangalan ng ina ng mga anak niya), I’m very thankful kasi sa kanya lahat ang egg célls tapos siya rin ang nag-alaga so nakita ko kung paano mag-alaga.

“So everytime na manganganak (ang ibang babae para sa ibang anak niya) siya ang nire-request kong mag-alaga pinapasundo ko talaga at iiwan niya ‘yung asawa niya at husband niya,” kuwento ni Joel.

Sinabihan naman ni Ogie si Joel na marami ang may gustong gayahin ka ngunit walang kakayahang sa pinansyal, Mahal ba yun? Tanong ni Ogie.

“Well sa first set ko (babae at lalaki) lahat ng gastos ko, hotel accommodation ko, fare ko, tests ko umabot ako ng 12 million pesos, pati ‘yung (bayad) kay Lilia.

Saka inaabutan ko rin si Lilia ng personal money niya bukod do’n sa bayad sa kanya ng firm.

“Sa second set ko alam ko (parehong lalaki), 11 million. Mas bumaba kasi mas marami akong biyahe sa first kasi maraming problema (inayos) like mag-e-expire na ang visa namin. Yung third set (babae at lalaki) 11 million ulit.

‘’Yung pang seventh at eight (anak), solo sila pero five months lang ang pagitan kaya dalawang surrøgate mother ang nagbuntis. At tig-nine million each ang gastos ko sa kanila,” pagtatapat ni Joel.

Ang kanyang dalawang panganay raw medyo alam na kung paano sila nabuong magkakapatid.

“They know somehow kasi eight years old na rin pero hindi pa ganu’n kadetalyado nila nalalaman.

They just know na married ang mommy nila na may asawa na parang kinausap ko ‘yung mommy nila na tulungan akong magkaroon ng baby at pumayag naman ‘yung mommy niya kasi nga wala akong (asawa),” say pa ni Joel.

Kuwento rin ni Joel ay kung hindi raw nagkaroon ng pandemiya noong 2020 ay nakapunta na sana si Lilia na Ina ng kanyang mga anak sa kanilang bahay.

“Inimbita ko sila ng 2019 tapos inabutan na ng pandemic kaya hindi natuloy, excited nga sila nakaplano nga na dadalhin ko sila sa magagandang beaches, kaso nagka-pandemic,” pahayag ni Joel.

At para kay Joel na ama sa walong mga anak,

“Masayang-masaya ako. Grupo kaming pamilya na para akong Buddha na mayroong walong anak na nakasampay diyan (muwestra). Alam naman nila ‘yung give and take na dalawa muna ganu’n.

“Alam din nila ‘yung pakiramdam ko na ‘daddy is so tired already’ sila nagsasabi kaya naggi-give way sila.

In fairness naman lahat nae-embrace ko, lahat nabibigyan ko ng pagmamahal at ramdam nila ‘yun na mahal na mahal ko sila,” kuwento ng proud daddy sa walong naggagandahang mga supling na may tig-iisang yaya.