Kung ang pag-uusapan ay ang pagiging matagumpay sa negosyo, hindi mawawala sa usapan ang nag-iisang Joel Cruz siya ay isang successful businessman pagdating sa negosyo siya ay tinaguriang “Lord of Scents”.

Matagal ng pangarap ng businessman ang magkaroon ng anak kaya naman ginawa niya ang lahat para ito ay matupad, gumastos siya ng malaking halaga papuntang Russia para dito tuparin ang isa sa kanyang pangarap.

Noong una ay sa bansang Ukraine dapat siya magtutung, ngunit ito ay hindi natuloy Dahil nalaman niyang sa lugar na ito ay bawal ang single father/mother na magkaroon ng anak at dapat ay couple.

Ayon kay Joel Cruz, bago maapprove ang kanyang pagkakaroon ng anak kahit siya ay single marami siyang pinagdaang interview at inalam ang buong background ng kanyang buhay.

May ilang interview din raw na siya ay naiyak dahil matagal na raw niya talagang magkaroon ng anak hanggang ang kinauukulan ay kanyang nakumbinsi.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng walong anak si Joel, halos lahat ay kambal. Taong 2018 ng ipinanganak ang eight surrogwte baby niya sa Russian na si Lilia. Ayon kay Joel ay matangkad si Lila (5’11) at mala Julia Roberts ang itsurahan nito.

Image via joelcruzaficionado

Umabot daw ng 12 million ang nagastos ni Joel para maisakatuparan ang kanyang pangarap, kasama na daw dito ang lahat ng gastos maging ang mga extra procedure dahil hindi raw titigil ang mga eksperto hanggat hindi nagiging succesfull.

Ang unang kambal niya ay sina Prince at Princess, sumunod naman ay sina Harry at Harvey , pangatlong kambal naman ay sina Charles at Charlotte at sng dalawang magkasunod ay hindi na kambal ito ay sina Zaid at Ziv. Lahat sila ay iisa lamang daw ang ina kaya naman full siblings ang mga ito.

Pahayag naman ng negosyante, kahit pa wala ang kanyang mga anak ay hindi niya ito napapabayaan dahil mayroon itong sariling mga tagapag-alaga lalo na kapag siya ay nasa trabaho o opisina.

Image via joelcruzaficionado

”As a bott𝔬ml𝔦ne, masaya, napakasaya ng may walong anak, talagang hindi mapapalitan ng anumang bag𝔞y tong happ𝔦ness na to with my 8 children.”

“Sabi ko nga, I just hope and pray sana kahit na tumanda na sila, para parin silang mga bab𝔦es ko na yayakap parin sakin, ki-k𝔦ss parin sakin, mag 𝔦 love you parin sakin. Ibang iba yung pakiramdam, ang sarap,” dagdag pa ni Joel sa isang interv𝔦ew sa kanya ni Aster Amoyo.

Simula raw Lunes hanggang Biyernes ay nasa opisina si Joel, kung minsan raw ay bumibisita rito ang kanyang mga anak at pagdating naman ng weekends ay full time siya bilang magulang ng kanyang walong anak.

Image via joelcruzaficionado

Dagdag pa ni Joel, hindi raw niya hinahayang gumamit ng madalas ang mga bata ng gadget kadalasan daw na nilalaro ng mga ito ay hide and seek, luksong tinik at patintero.

Maaari naman daw nilang mahiram ang cellphone ngunit sa loob lamang ng 30 minutes nila pedeng gamitin ito.

Samantala, naikwento rin ni Joel na minsan raw ay tinatanong ng mga bata kung sino at nasaan ang kanilang ina.

Ito ay sinasagot naman ni Joel, at sinasabing ang kanilang Ina ay nasa bansang Russia at may sarili ng pamilya. Ayon sa kanya Ipapaliwanag naman niya ang lahat sa mga bata kapag ito ay malalaki at nasa tamang edad na upang makaintindi.