Ang pagiging isa Ama ay hindi biro dahil may kaakibat itong malaking responsibilidad. Isang responsibilidad na panghabambuhay lahat ay iyong gagawin para saiyong anak.

Katulad na lamang ng aktor na si John Lloyd Cruz bilang isang ama lahat ay kanyang ginagawa lahat ng tungkulin at responsibilidad para sa kanyang anak na si Elias.

Si Elias ay anak ni John Lloyd Cruz sa kanyang dating kasintahan at kinakasama na si Ellen Adarna. Si Elias ay tutuntong na ng tatlong taon ngayong darating na June 27, taong 2018 ng siya ay isilang ng aktres na si Ellen Adarna.

Kahit pa nauwi sa hiwalayan ang relasyon nina John Lloyd at Ellen ay nananatili parin na isang mabuti at responsableng ama si John Lloyd kay Elias dahil na rin sa napagkasunduan ng dalawa na co-parenting set-up.

Samantala, kamakailan ay nakuha ang atensyon ng mga netizens sa isang post ni Lloydie sa social media.

Tila ang aktor ay nangungulila sa kanyang anak. Sa instagram story ng aktor ay makikita ang isang larawan niya at may nakalakip na captio na “I Miss U Anak”.

Hinala ng marami ay matagal ng hindi nakikita ni Lloydie ang kanyang anak. Ang huli daw pagsasama ng mag-ama ay noong pumunta si Lloydie ng Puerto Galera upang bisitahin si Willie Revillame.

Para naman sa mga tagahanga ni Lloydie tiyak na matutuwa kayo, kamakailan ay pinagkakaguluhan ng mga netizen ang balitang pagbabalik sa industriya ng showbiz ng isang John Lloyd Cruz.

Marahil ito ang dahil ng pagiging abala ng aktor kung bakit hindi pa niya muling nakakasama ang kanyang anak.

Sa kasalukuyan ay kasama ni Elias ang kanyang Ina na si Ellen Adarna. Madalas mag post ng mga picture si Ellen Adarna sa social media kasama ang kanyang anak.

Kung minsan rin ay makikitang naglalaro sila ni Elias at ang sinasabing fiancee ng aktres ngayon na si Derek Ramsay.

Minsan na rin sinabi sa media ni Ellen ang pagiging mabuting ama ni John Lloyd sa kanilang anak na si Elias kung saan ay ginagampanan nitong mabuti ang responsibilidad bilang isang ama.

Samantala, maraming ugong-ugong na ang pagbabalik ni Lloydie sa showbiz ay hindi lamang sa pag-arte.

Dahil nito lang nakaraang linggo ay agaw pansin ang kanyang pagkanta ng awiting “Yakap” na napanood sa isang programa ng GMA at ang kahanga-hangang performance na ito ng aktor ay umagas sa atensyon ng mahusay na kompositor na si Vehnee Saturno.

Marahil nagustuhan ng kompositor ang maganda at dating ng boses ni Lloydie. Kaya nama kamakailan ay ibinahagi naman ni Vehnee ang isang larawan kung saan kasama niya ang aktor sa isang recording studio.