Ang ating mga buhay ay hiram lamang sa itaas. Ito ay ibinigay sa atin upang pangalagaan at gawing makabuluhan.

Gayun pa man, ano man ang iyong ginagawa sa iyong kalusugan at katawan ay paniguradong babalik sa iyo pagdating ng panahon.

Iba nga naman maningil ang ating katawan kapag ito ay naabuso.

Labis na ikinagulat ng marami ang naging kalagayan ng dating beauty queen na si Bea Rose Monterde Santiago o mas kilala bilang Bea Rose Santiago nang i-sapubliko niya ang kaniyang køndisyon at pakikipaglaban habang sumasailalim sa diålysîs.

Siya ay isang Filipino-Canadian actress, kilala rin bilang isang model. Taong 2013 ng Disyembre 17 nang kinoronahan siya bilang Miss International 2013 at Binibining Pilipinas sa kaparehong taon.

Taong 2011 naman nang koronahan din siya bilang Mutya ng Pilipinas. Bukod sa pageant ay naging isang fashion model din siya para sa Elite Model Management.

Ang dating magandang hubog ng katawan at mukha, ngayon ay nangangarirang na dahil sa kawalan ng sigla.

Mahirap na para sa kaniya ang kumain ng mga pagkaing may protina at mababa na rin ang kaniyang phosphate at hemoglobin.

Marami ang nag- alala at patuloy na nagdarasal para sa malubhang kalagayan ni Bea. Ganoon man ang nangyari sa kaniya, hindi pa din nawala ang kaniyang mga taga suporta na handang lumaban kasama niya.