Siya ay si Javi Benitez anak ng kilalang politiko na si Albee Benitez ng Negros Occidental. Bukod sa pagiging politiko ng ama ni Javi ay isa rin itong kilalang negosyante.

Ang tunay na pangalan ni Javi at Javier Lopez Benitez ipinanganak noong ika-8 ng Oktubre 1994 sa siyudad ng Quezon City at lumaki naman sa lungsod ng Maynila.

Sa kasalukuyan ay kilala din sa social media si Javi ngayon ay mayroon siyang 48K followers sa kanyang Instagram account at 6K naman sa Facebook.

Para sa hindi nakakaalam unang nakilala si Javi ng publiko ay nang ito ay mapanood noong 2008 sa studios 23’s sport themed tv show na tinatawag na Sports Kid.

Pansamantala niyang nilisan ang Shoebiz upang tapusin ang kanyang pag-aaral.

Subalit makalipas lang ang ilang taon ay bumalik sa showbiz si Javi siya ay napanood mula sa tv segment na pinamagatang ANC’s Game Changer taong 2016.

Hindi nagtagal ay naging isang bagong artista si Javi ng Kapamilya Network.

Unang naging proyekto ni Javi sa Kapamilya Network ay ang karakter bilang businessman sa programang “The General’s Daughter” na pinagbibidahan ni Angel Locsin.

Bukod dito nabigyan rin ng break ang gwapong binatang aktor at nagkaroon ng sariling pelikula na may pamagat na “Kid Alpha One”.

Samantala, sa ngayon ay ang ama ni Javi ay ang chairman ng Leisure & Resorts World Corp, ang nagpapatakbo ng bingo parlor sa buong bansa.

Pagmamay-ari din ng ama ni Javi ang Brightlight Productions na may multi-million deal sa Kapatid Network.

Hindi lang basta aktor si Javi, dahil malaki din ang kanyang role na ginagampanan sa kumpanya mismo ng kanyang Ama.

Samantala, ngayong taon ay naging usap-usapan si Javi at ang aktres na si Sue Ramirez sa social media.

Ito ay nang aminin nilang dalawa sa Publiko ang kanilang Relasyon. Ayon sa aming source masaya ngayon ang dalawa sa estado ng kanilang pag-ibig. Wala naman iba pang ibinabahagi ang dalawa bukod sa kanilang pag-amin.