Isa sa pinakamalaking biyaya ng Panginoon Maykapal sa mga magulang ay ang kanilang anak.

Ngunit ang pagkakaroon ng anak ay isa ring malaking responsibilidad kinakailangan mo silang buhayin , pakainin at turuan ng tamang asal.

Samantala, sa kasalukuyan ay maraming kabataan ang nakararanas ng maagang pagbubuntis na nagiging dahilan ng pagtigil sa pag-aaral at nauuwi sa kahirapan.

Subalit kung mayroon namomroblema at nalilihis ng landas ay mayroon naman na ginagawang inspirasyon ang kanilang anak upang bumangon at magtagumpay sa buhay.

Katulad na lang ng aktres na si Jennylyn Mercado, siya ngayon ay isa na pinaka-sikat na artista sa bansa na produkto ng reality talent show na Starstruck.

Ang karera ni Jennylyn ay mabilis namayagpag dahil narin sa galing nito sa pag-arte. At sa kasagsagan naman ng kanyang karera at bigla nalang gumulantang ang balita na siya ay nagdadalang tao at ang sinasabing nakabuntis sa kanya ay ang kanyang nobyo noon na si Patrick Garcia.

Si Jennylyn at Patrick ay naging magkatambal sa isang proyekto at dito nasimula ang dalawa na mahulog ang loob sa isat-isa at hindi nga nagtagal ay nabuntis ang aktres.

Naging malakig kontrobersyal naman ang pagdadalang tao ni Jennylyn dahil hindi pa ito nanganganak ay nagkahiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Patrick Garcia na siyang ama ng kanyang anak.

Nanatiling malakas at matatag si Jennylyn sa kabila ng nangyari sa kanya, hindi niya intindi ang sasabihin ng iba hindi siya nag pa apekto sa mga negatibong komento ng ibang tao.

Ginawa niyang inspirasyon ang kanyang anak upang pagbutihin pa ang kanyang pagtatrabaho para mabigyan niya ng magandang buhay at kinabukaaan ang kanyang anak.

Pinangalanan ni Jennylyn ang kanyang anak na Alex Jazz na ngayon ay 12-taong gulang na. Ang aktres na rin ang tumayo bilang ama ni Jazz ganun pa man ay napalaki niya ito ng mabuti at puno ng pagmamahal.

Bukod sa pagiging mapagmahal ni Alex Jazz, hindi maikakaila na siya ay anak ni Jennylyn dahil sa kanyang edad ay kitang-kita na ang kagwapuhan at karisma nito na namana niya sa kanyang magulang.

Marahil hindi malayong sumunod si Jazz sa yapak ng kanyang magulang sa mundo ng showbiz dahil sa angking kagwapuhan nito ay tiyak na pasok na pasok siya bilang artista.