Labis ang pasasalamat ng dating konduktor sa Pilipinas na si Felix Santillan dahil sa kanyang natatamasa ngayon sa buhay, Hindi niya lubos akalain na magkakaroon siya ng marangyang buhay sa Amerika.

Dahil ang dating kumikita lamang ng Php10 hanggang Php15 kada araw sa pagko-konduktor sa Bus ay isa na ngayong may-ari ng 17 mamahaling sasakyan at limousin sa Amerika na ang karamihan ay pinaparentahan pa sa mga sikat na Hollywood stars.

Ayon sa kwento ni Felix :
“Nu`ng bata ako, Akala ko lahat ng tao ginagawa `yung ginagawa namin, `Yung nanay ko nagluluto sa kahoy, naghuhugas ng plato sa balde. Pero nu`ng napunta ako sa bahay ng kaklase ko nu`ng high school, nakita ko na meron silang couch. Maganda `yung lababo nila. Hiyang-hiya ako sa katayuan ng buhay namin noo, Doon ko na-realize na dapat akong magsumikap.”

Kwento pa ni Felix, Mula sa kanyang pagiging isang konduktor ay mayroon siyang isang kaibagan na nagsabi na huwag mawalan ng pag-asa at nagtulak sa kanya para mangarap at magsumikap. Hanggang sa nabigyan siya ng pagkakataon sa na maka sampa ng barko patungong Amerika.


“Naging Konduktor ako. Sumusweldo ako ng 10-15 pesos kada araw. May naging kaibigan ako siya` yung nag push sa akin na wag mawalan ng pag-asa. Kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob gawin yung gusto ko. Naghanap ako ng paraan, Sumampa ako ng barko. Hanggang sa nagkaroon ng oportunidad dito sa Amerika.” -Kwento ni Felix.

Nang si Felix ay nasa Amerika na pinasok niya ang pagiging mekaniko ng US Navy at ng Post Office. Sa bansang Amerika na rin nakapag-asawa si Felix at nagkaroon sila ng mga anak. Hanggang sa dumating na si Felix sa edad na 50 at napagdesisyunan na nitong mag retiro sa kanyang trabaho.

Samanata, Upang patuloy na kumita ng pera ay nagtrabaho pa rin ito bilang isang driver. Hanggang sa naisipan daw niyang magtayo ng negosyo. Ang kanyang naipon ay kan yang isinugal daw sa negosyo at bumili siya ng isang limousine na kanyang pinaparentahan.

Nagsimula daw sa paunti-unti ang kanyang mga kustomer na nagrerenta ng kanyang limousin hanggang sa nabigyan ng big break si Felix at naging regular niya nang pasahero ang maraming mga sikat na Hollywood stars. Ilan nga sa mga kilalang Hollywood stars na kanyang naging costumer ay sina Patti Austin, Simon Cowell at ang sikat na gumanap bilang Captain America na si Chris Evans.


“Sinugal ko lahat ng ipon ko para masimulan `tong business na to. Sa awa ng Diyos, may mga tumatawag na mag-aavail ng car rental service. Nagkaroon ako ng pasaherong Hollywood celebrities, gaya nina Pattit Austin, Simon Cowell at si Captain America Chris Evans.” Saad ni Felix.

Kaya naman, Malaki ang pasasalamat ni Felix sa Panginoon sa kanyang natatamasang buhay ngayon. Mula sa kanyang iisang Limousine na nabili dahil sa kanyang ipon ay umabot na ngayon sa 17 mga magagarang sasakyan ang kanyang pagmamay-ari ngayon.

Bukod naman sa mga magagarang sasakyan na kanyang negosyo ay mayroon din siya nga mga pinapaupahang bahay sa Amerika. Dahil sa kanyang tagumpay ay naipetisyon niya na sa Amerika ang kanyang nanay at ang kanyang pitong mga kapatid. Labis din ang pasasalamat ng Pamilya ni felix sa kanya dahil sa magandang buhay na ibinahagi nito sa kanila.