Usap-usapan ngayon sa social media ang isang viral video kung saan makikita ang isang ice cream vendor na naglalako ng kanyang paninda sa may gitna mismo ng dagat.

Marami ang nagtaka dahil bibihira ang makakita ng ganitong uri ng diskarte sa pagtitinda, dahil sino nga ba naman ang bibili ng iyong panindang ice cream sa may gitna ng dagat.

Ayon sa netizen na kumuha ng video, Nakita niya umano ang naturang vendor na nakilala bilang si Tatay Randy na lumalangoy sa dagat para lamang makapagtinda.


Dagdag pa ni Jessica na kumuha ng video, Nakilala niya si Tatay Randy dahil nakabili na siya rito dahil ng mga panahon na iyon ay naroon sa naturang beach ang kanyang pamilya upang mag summer outing.

Mapapanood sa naturang video na lahat ng tao na sakay ng isang bangka ay gulat na gulat ng makita nila si tatay Randy na naglalangoy sa dagat para maihatid ang kanyang paninda.

Ang video ngayon ni Tatay Randy ay kumalat na umabot nna ito ng 1million views at dahil dito nagbigay naman ng mga netizen ng kani-kanilang reaksyon at komento sa video ni Tatay.


Karamihan sa mga komento ng netizen ay humangaha sila kay Tatay Randy dahil sa sakripisyo nito para lamang matustusan ang pamilya.

Narito naman sa baba ang naturang pahayag ni Jessica na siyang kumuha ng naturang video.

.“Malayo pa lang si tatay samin, sumesenyas na kami na hindi na kami bibili. “Then sabi nung nagmamaneho ng balsa na ganun daw talaga kaya bumili na lang kami kasi grabe yung nilangoy ni tatay.”

“Then sabi nung nagmamaneho ng balsa na ganun daw talaga kaya bumili na lang kami kasi grabe yung nilangoy ni tatay.”