Matagal nang usap- usapan ang pagbubuntis umano ni Julia Montes. Bagaman matagal na ang issue na iyon, tila hindi pa din ito matitigilan hanggang ngayon.

Ayon sa mga sabi- sabi, ang kaniyang kapwa Kapamilya Star na si Coco Martin ay ang ama ng kaniyang anak. Mayroon ding mga ulat na sinasabi na sila nga ang tinutukoy na mag kasintahan sa mga blind items.

Sa gitna ng mga ito, walang natanggap na kompirmasyon sa parehong kampo. Sila ay nanatiling tahimik tungkol sa issue. Sa katunayan, ang kanilang sinasabing romantic relationship ay hindi pa din nako-kompirma.

Nang magbakasyon si Julia sa Germany kasama ang kaniyang biological father ay lalong nag init ang mga tsismis.

Si Coco at ang manager ni Julia ay itinanggi na ang mga alegasyon ngunit patuloy pa din itong kumakalat.

Kasabay nito, nagdesisyon si Julia na magkaroon muna ng social media break na kung saan nag iwan ng mga tanong sa kaniyang fans kung kamusta na nga ba siya.

Ngunit ngayong taon lamang nang bumalik si Julia sa pag-a-artista at bumida sa isang TV series ngunit hindi ito natuloy dala ng pag shutdown ng ABS- CBN.

Nito lamang nang nag viral ang larawan ni Julia na may buhat na cute na cute na sanggol na sinasabi naman ng mga netizens na “Coco lookalike”

Siya ay isang sanggol na lalaki na mahimbing na natutulog at komportable sa mapagprotektang kamay ni Julia.

Ang larawan ay umani ng napakaraming likes, comments at shares.

Gaano nga ba katotoo ang mga espekulasyon at aligasyon na nakapaloob dito?

Source: Most Trending Ph