Marahil kaya nasasabi ng mga tao na hindi patas ang mundo ay dahil sa mga tinatamasang hirap sa araw- araw na tila ganoon na lamang kanilang magiging buhay hanggang sa sila ay maubusan na ng hininga

Aminin man natin o sa hindi, sa pera umiikot ang buhay ng tao. kung wala nga naman ang mga ito, hindi ka magkakaroon ng kakayanan upang makabili ng pagkain, pampagamot, at makabayad ng iba pang gastusin

Ang iba ay hindi na alintana sa kanila ang kanilang edad basta sila ay kumite at may maipangtustos sa pamilya. ganoon na lamang ang nasaksihan ng netizen na si Saharat Yean.

 

Ikinuwento niya sa kaniyang social media ang ingkwentro sa isang matandang lalaki na nagbebenta sa Wat Bua Temple sa Ubon Ratchathan, Thailand.

Aniya, madaling araw na noon nang maaninag niya ang ilaw na nakasindi at bukas na stall.

Lumapit siya at nakita niya ang matandang lalaki na kung saan ay nakaupo sa tabi ng kaniyang meatball shop at nag aantay ng mga customer na bibili sa kaniya ng mga oras na iyon

Nang buksan ni Saharat ang steamer, nakita niyang halos puno pa ito kaya di naman siya nag-atubiling bumili kahit na siya ay busog pa. Hindi na din niya kinuha ang sukli sa 20 baht na kaniyang binayad.

Saharat: “Why are you staying up so late today?”

Old Vendor: “It’s late night and items are not selling well”

“What is there left for me to buy?”

“There are still meatballs and steam squid left”

“[Opens the pot and realizes the whole pot is still full!] I’ll take these and here’s your 20 baht… are you going to sleep soon? Aren’t you tired?”

“I’m indeed tired but I have to be patient. If I’m not patient, I won’t be able to eat”

Pinayuhan naman ni Sahara ang matanda na huwag susuko sa laban ng buhay at mayroong ibang tao na mas mabigat pa ang pinag dadaanan na kanilang nalalagpasan.

https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=3062629790476392&id=100001882047164