Marahil marami sa atin ang nakakakilala kay Ronald James Gibbs o mas kilala ng publiko sa kanyang screen name na Ronaldo Valdez.

Isa siya sa pinakamagaling at beteranong aktor sa industriya ng showbiz sa bansa.

Si Ronaldo Valdez ay ipinanganak noong ika-27 ng Nobyembre taong 1947 sa bayan ng Sampaloc, Manila.

Pumasok ang aktor sa pag-aartista taong 1960s, Halos limang dekada namayagpag ang karera ng mahusay na aktor.

Bukod diyan si Ronaldo ay kilala rin bilang ama ng komedyanteng aktor at magaling na singer na si Janno Gibbs at ang kapatid nitong si Melissa Gibbs. Ang naging asawa naman niya ay si Maria Fe Gibbs.

Kung inyong matatandaan, noon ay may lumabas na balita tungkol sa hindi pagkakaunawaan ni Ronaldo at ng kanyang anak na si Janno Gibbs.

Ngunit kalaunan ay naging maayos rin naman ang mag-ama.

Aminado naman siya na nasa kanya ang pagkakamali kaya naman siya ang kailangan humingi ng tawad sa kanyang anak.

”Sabi ko nga ay just because you’re older doesn’t mean you’re wiser. And just because you’re a parent doesn’t mean you’re always right”, pahayag ng aktor na si Ronaldo.

Samantala, usap-usapan naman ngayon ang isang video sa social media na ibinahagi ng isang netizen kung saan ito ay ang compilation ng mga lumang larawan ng aktor na si Ronaldo Valdez noong ito ay binata pa hanggang ngayon na may edad na ito.

Mapapanood at makikita sa video ang napakagandang mukha o kagwapuhan ng aktor noong kanyang kabataan.

May ilang mga netizen nga ang nagsabi na kamukha nito ang mga aktor ngayon na sina Ian Veneracion, Jestoni Alarcon at si Ej Falcon.

May ilang mga netizen naman na nagsabi na hindi kamukha ng aktor ang kanyang anak na si Janno Gibbs marahil dahil daw ito ay kamukha ng kanyang Ina.

Sa ngayon ay kabilang ang beteranong aktor na si Ronaldo sa isang proyekto sa TV5 kung saan ito ay pagbibidahan nina John Estrada at Ellen Adarna na ang titulo ay “John En Ellen”. Kung saan ang beteranong aktor ay gaganap bilang si Don Lucky.