Ikaw ba ay mabait? o mabuti ang pagkato? Tamang-tama baka ikaw na ang hinahanap ng isang 70 taong gulang na German Multi-Millionaire na ito, dahil naghahanap siya ng 10 na mababait na taong sasamahan siyang manirahan sa kanyang pagmamay-aring lupain sa New Zealand.

Sa inilabas na advertisement ng hindi nagpapakilalang milyonaryong german na 70 taong gulang , ikinuwento niyang natagpuan niya ang mala pariasong bukirin na ito nang pumunta siysa sa New Zealand noong 2000.
At makalipas lamang ang 10 taon mula ng ito ay kanyang bilihin at pagandahin ang naturang lupain na mala “paraiso” ay nais niya itong ibahagi sa mabubuting tao.
“Now where everything is finished I would like to share the ‘paradise’ with nice people, up to 10 (women and men). They could live in houses by two persons and share a beautiful winery for social meetings and dining,” saad niya.
Ang naturang lugar ay tinatawag na “Awakino Estate” na matatagpuan sa may kanluran ng North Island at ang halaga nito ay tinatayang nasa $5.6 milyon o 280 Million pesos sa atin.
Ayon naman sa article na inilabas ng Taranaki Daily News, Ang naturang lupain daw ay nabili ng nagngangalang Reipin bago pa ipagbawal sa nasabing bansa ang pagbebenta ng mga ari-arian sa mga dayuhan.
Naging succesful daw umano sa buhay si Reipin dahil sa kanyang pagtitinda noon ng mga Iced-coffee na delata. Dagdag pa nito na mayroon daw siyang mga karanasan sa mga “international business” at sadyang mahilig lang daw siya magtrabaho sa mga bukid sa Germany noong siya ay bata pa.
“If you are interested to live a life with a group of interesting people, it can be a new life for you,” ani Reipen.
Kaya naman kanyang inaanyayahan ang mga tao na may edad hanggang 70 at sinabi niya rin na maari daw magdala ang mga ito ng kani-kanilang mga kabayo para gamitin sa bukirin.