Ang bawat tao ay may kaniya kaniyang kagandahan mapapanloob o panlabas pa iyan. Mayroon namang iba na nasa murang edad pa lamang ay nagpapamalas na ng kabigha- bighaning kagandahan.

Narito ang isang napakagandang dalaga mula Davao City na naglalako ng kaniyang tindang banana cue sa kanilang lugar. Agad na nagviral ang kaniyang larawan na kaniyang ibinahagi sa kaniyang Facebook account. Siya ay hinangaan ng mga netizens dahil bukod sa kaniyang natural na kagandahan, siya ay tumutulong pa sa magulang.


Nakilala ang dalaga bilang si Yssa Nicole Nengasca. Lahat ay naapektuhan ng pandemya maging ang kaniyang pamilya kaya pinili niyang magnegosyo kahit na sa maliit na bagay lamang at kakarampot ng kita upang makatulong sa mga gastusin.


Agad na naubos ang kaniyang panindang inilalako sa karatig barangay sa palibot ng Barangay Dos. Nagpasalamat siya sa Panginoon dahil naging worth it ang kaniyang pagtitinda sa ilalim ng matinding sikat ng araw.

Tunay ngang kahanga hanga ang mga babaeng kagaya ni Yssa dahil hindi lamang ito puro ganda kundi madiskarte pa. Labis na hinangaan ng netizens ang kaniyang hitsura at hakbang upang makapag ambag sa kaniyang pamilya.

Dito pa lamang ay talagang masasabi nating mayroong magandang kinabukasan ang nag- aantay sa mga dalagang katulad niya. Hindi man maganda sa pisikal na kaanyuan ngunit ang mahalaga ay may sipag at tyaga din.