Sa mismong Youtube Channel ng Singer-Actor na si Ogie Alcasid kanyang ipinakita sa kanyang mga tagahanga at subscribers ang isang video kung saan mapapanood dito ang kanyang may bahay na si Regine habang natutulog.

Mapapansin sa unang bahagi ng na nakanganga si Regine habang ito ay natutulog na sensyales na ito ay nasa kasarapan ng kanyang pagtulog at maya-maya lamang ay tila nagising na ito.

Nakipagkulitan naman si Asia’s Songbird sa mga viewers at subscriber ng kanyang asawang si Ogie kahit na hindi pa ito nakakapag-ayos ng sarili at kagigising lamang.

Ang mag-asawang Regine at Ogie ay natawa na lamang sa isang viewers na napansin ang kilay ng Asia’s Songbird.

Sanay kasi na makikita ang sikat na singer sa publiko at telebisyob na naka makeup kaya naman siguro ay nanibago ang netizens ng makita itong walang make-up.

Samantala, maraming netizens din ang nakapansin ng natural na ganda ni Regine kahit na wala itong kolorete sa mukha.

Ang ilan nga sa mga netizens ay nagpaabot ng komento sa Asia’s Songbird.

“Maganda pa rin si Regine idol kahit walang make up.saka true love po yan ganyan. Proud ako sa mga lalaking ganyan.”

“Super pretty, On&Off cam grabe, Stay strong mami Regine and Ogie. Godbless”

“Wow! Ang fresh and blooming ni Ms. Reg shookt ang gandaaaa!”