Ang isa talaga sa nagiging puhunan ng mga pinoy sa ibang bansa upang maging matagumpay ay ang sipag at tiyaga, Tinitiis nila ang kanilang pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay o pamilya para lang magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga ito.

Katulad na lamang ng kwento ng isang Pinoy Worker sa Australia kung saan ang pinaoa punuhunan niya ay ang sipag at tiyaga upang maabot ang kanyang Pangarap.


Ito ang kwento ni John Andrew Dangca, 25 taong gulang mula sa Dasmariñas, Cavite. Sa edad daw na 19 ayos ni Andrew ay nagsimula na siyang makipag sapalaran sa bansang Australia nang siya daw ay kunin ng kanilang malapit na kamag-anak upang makapag trabaho doon.

Ang buhay ni Andrew sa bansang Australia ay hindi naging madali, madalas daw kasi siyang nakakaramdam ng pagka-homesick. Ngunit dahil sa kanyang kagustuhan na matulungan at maiahon sa hirap ang pamilya ay kanya itong tiniis. Nagsumikap magtrabaho si Andrew sa bansang Australia maging ang pagiging Janitor ay kanyang pinasok para may maipadala sa pamilya sa Pilipinas.

Kwento ni Andrew, bilang isang Janitor ay naglilinis siya ng mga hotel, opisina, shopping malls at kahit sa mga bahay. Sa kabila ng kanyang pagsusumikap sa trabaho nagawa rin niyang makapag-aral at matapos ang kanyang kursong kinuha. Ang pagtiya-tiyaga naman ni Andrew sa pagtatrabaho at oag-aaral ay nagbunga ng maganda, dahil matapos niyang makapagtapos ay naging isa siyang assistant sa isang Aged care facility.


Kahit pa nagkaroon ng magandang trabaho si Andrew ay hindi parin niya iniwan ang pagiging Janitor, dahil sa kagustuhan niyang malaki ang kanyang maipadala sa kanyang Pamilya sa Pilipinas. Naranasan din ni Andrew ang palipat-lipat ng trabaho hindi lamang isa ang nagiging trabaho niya sa isang araw.

Dagdag pa ni Andrew, Halos sa mga sasakyan o sa biyahe na daw siya nakakatulog at nakakapagpahinga dahil pagkatapos daw ng isang trabaho ay diresto na agad siya sa susunod na trabaho. Kaya talagang napakahirap ng kaniyang buhay sa Australia. At dahil naman sa pagsasakripisyo ni Andrew sa kanyang pagtatrabaho ay nagbunga ng magandang resulta ang lahat. Dahil unti-unti niyang nakuha ang kaniyang pamilya at naninirahan na rin sa Australia.

Bukod sa nakuha na ni Andrew ang kanyang Pamilya , dahil sa kanyang sipat at tiyaga at dedikasyon ay nagkaroon din si Andrew ng sariling negosyo na restaurant at ito ay ang kanyang “Salo-Salo Restaurant” na matatabluan Canberra, Australia.

Ang restaurant na itinayo ni Andrew ay nagsimulang kumita noong nakalipas lamang na taon. Lahat ng sipag at tiyaga na pinuhunan ni Andrew ay nagbunga ng maganda naabot niya ang kaniyang mga pangarap para sa kanyang sarili at higit sa lahat ay para sa kaniyang pamilya.


Patunay lamang ito na walang imposible sa taong may sipag, tiyaga at dedikasyon. Lahat ay kayang abutin bastat ang mahalaga ay huwag tayong susuko. Tulad ng kwento na ito ni Andrew, nawa’y naging isang inspirasyon ito sa bawat tao, Lalong lalo na sa mga taong nagtatrabaho sa ibang bansa.