Malaking pagbabago ang naidulot ng pandemya. Marami ang naapektuhang negosyo at nawalan ng trabaho kaya naman sa tulong ng social media, nakakadiskarte ang karamihan ng pagbebenta ng kung ano ano na papatok sa mga netizens.

Ang iba ay nagtatagumpay at napapalago ang kanilang negosyo samantala ang iba naman ay tuluyang napapasuko.

Isang nakalulungkot na kwento ang binahagi ng netizen na si Liezle De Vera Jordan na kung saan isang online seller ang pumånåw matapos hindi kayanin ang pagod at bigat ng problema.

Ayon dito, bumigay ang utak at katawan ng online seller dahil sa sobrang pagod at puyat sa pag-aasikaso ng kaniyang negosyo.

Sa sobrang daming intindihin, hindi na nagawang bigyang pansin ang kaniyang sarili at kalusugan na humantong sa kabilang buhay.

Hinihinalang ito ay sevére åsthma attåck ang tumama sa online seller.

Basahin ang paalala at pahayag ng post:

“Rést in péace.

Another online seller na naman ang binawîan ng bühay sa sobrang pagod. Hindi na nakayanan ng utak.

Sabi ko nga kapag online seller ka, pakiramdam mo hindi ka na normal na tao, na nakatira ka na sa loob ng telepono.

Kung may tatlong duda sayo, may isang libo naman ang nagtitiwala sayo. Dun ka lalakas, sa mga naniniwala sayo.

Kapag gising mo, cellphone na ang aatupagin mo, may mga buyer kasi tayo na kapag nakabayad na at wala pa ang order nila galit na galit sayo, nakalimutan ng tao ka na kailangan mo din ng konting pahinga, minsan naaapakan na pagkatao mo.

Pero ako, kahit gaano kabastos ng buyer ko, iniintindi ko. Never ako nakipagsalitaan, yung pang unawa ko stretchable katulad ng mga damit ko, pag may misunderstanding sa amin ng buyer ko, pinapagupa ko yung tensyon katulad ng damit ko “lamig tela” kailangan “lamig ulo” palagi. hahahaha ganyan lang, tawa lang!

Alam na alam ni Lord, kung gaano kadami yung pangarap ko, lahat ng stress, pagod, lipas gutom, maghapon magdamag cellphone, iiiyak ko lang yan.

Isusumbong ko lang lahat sa kanya, tapos okay na. Lavarnnn na ulit.

Pero ngayon, pansin din ng mga buyer ko, hindi na ako ganon kadalas magpost kasi nadala ako. AYOKO NA MAGKASAKIT.

At please lang po sa kapwa ko mga seller, alagaan po natin ang sarili natin. Kapag di na kaya ng katawan, magpahinga.

Matulog maghapon wag ma guilty kung di ka kumita ngayon makakabawi din tayo. Alagaan po natin ang mga sarili natin. Puhunan natin yung katawan natin, isip at mga diskrte natin. Kailangan din natin ng break.

Magpagupit,bumili ng laruan ng bata, magjalibi, ganyan lang ang “ME TIME” ko. Kailangan nyo din yan. Magshopping kayo, rewardan ang sarili.

Rest in peace.”

Source: Facebook