Usap-usapan ngayon sa social media ang isang kwento tungkol sa kabaitan ng isang resto owner sa isang pulubi.

Ayon sa post, mayroon daw palagi na isang pulubi na tumatambay sa isang restaurant. Kaya naman dahil sa palagi itong nakikita ng may-ari ng restaurant nakapag desisyon ito na kuhanin bilang crew ang pulubi.

Laking gulat naman ng may ari ng restaurant sa isinukling kabutihin sa kanya ng pulubi.

Kwento ni Cesia na siyang nagpost ng kwento, Matagal na raw niyang napapansin at nakikita ang isang pulubi na nakatambay sa kanyang restaurant.

Kaya naman ng isang araw ng ito ay kanyang makakwentuhan dito nalaman ng resto owner ang dahilan kung bakit ito palagi tumatambay sa kanyang restaurant at kung bakit hindi nito naisipan maghanap ng trabaho o pagkakakitaan.

“Why don’t you have a job, Why know nothing is given to me for free, right?”, Tanong ni Cesia sa pulubi.

Sinagot naman agad ito ng pulubi na, kaya daw wala siyang trabaho ay wala daw nagbibigay ng pagkakataon para sa mga katulad niyang Pulubi.

Sa pagpapatuloy ng kanilang pag-uusap, dito napagdesisyunan ni Cesia na kuhanin ang Pulubi bilang tao niya sa restaurant dahil tiyak niya na kayang kaya nito ang trabaho at tamang-tama daw dahil kulang sila sa tao.

Pahayag naman ni Cesia,
“I was short staffed that day,”

“So I asked him, ‘You want to work? I have a job for you!’ His eyes opened wide and his smile made my day!!!! He said, ‘I’ll do anything for some food.’”

“So now for almost 2 weeks he been on time for his two hour shift… helping take trash, washing dishes, etc.”

At makalipas nga ang halos dalawang linggo, masaya si Cesia na nakikita niyang kayang kaya ng lalaki ang trabahong ibinigay niya dito.

Kaya naman ginawa na niya itong regular na trabahador para tuluyan ng makapagbagong buhay.

Laking gulat naman ni Cesia na tuwing darating daw ang sahod ay bumibili ang Lalaki ng pagkain doon mismo sa kanyang restaurant.

“Once I pay him, guess what he does? He buys food from my restaurant (HE DECIDES TO PAY) because it makes him feel good!”

Sadyang kahanga-hanga si Cesia at ang dating pulubi. Dahil sa ginawang kabutihan ni Cesia ay mayroon siyang taong nabigyan ng pagkakataon na makapag bagong buhay, at para naman sa Lalaki hindi nagkamali si Cesia na siya ay bigyan ng pagkakataon dahil hindi niya sinayang ang magandang oportunidad na dumating sa kanya.