Tunay na walang imposible sa Diyos dahil ang lahat ng bagay ay dumadating sa itinakda niyang panahon.

Nasa tao na lamang ito kung paano siya maghihintay at mananalig na ang lahat ng kaniyang panalangin ay matutupad din.

Isang milagro ang naranasan ng aktres na si Assunta De Rossi at ng kaniyang asawa na si Jules Ledesma na kung saan sa loob ng 16 na taon ng kanilang pagsasama ay wakas biniyayaan na sila ng isang napaka cute na supling.

Noong nakaraang taon, buwan ng Oktubre nang isilang ni Assunta sa edad na 37 taong gulang, ang kanilang kauna unahang anak na pinangalanang Giulia Fiorentina “Fiore” Alessandra.

Miracle baby nga naman talaga ang maituturing kay Baby Fiore dahil sa pagbibigay pag- asa at kulay nito sa buong pamilya.

Hindi biro ang pinagdaanan ni Assunta sa kaniyang pagbubuntis. Bukod sa kaniyang edad, hirap din siyang magbuntis dahil sa kaniyang myoma, isang uri ng bukol na tumutubo sa loob ng matrés ng babae kapag ito ay may edad na, at endometriosis. Mabuti na lamang at hindi ito nauwi sa kånser.

Gayun pa man, nalagpasan ito nila Assunta at nagtagumpay sa pagkakaroon ng ninanais na supling.

Hindi naging hadlang ang layo ng agwat ng edad ng mag- asawa upang magpatuloy at hindi sumuko upang makabuo. Sa loob ng 16 na taon ay ginawa nila ang lahat ng paraan upang magkaanak.

Hindi nila maipaliwanag ang labis na kaligayahan sa kanilang mga puso nang dumating si Baby Fiore.

Ipinaliwanag naman si Assunta ang kahulugan ng pangalan ng kaniyang panganay n anak.

“GIULIA- Just like how you pronounce Julia (sorry, no letter J in the Italian Alphabet) as a tribute to her paternal great-grandfather, Don Julio.”

“FIORENTINA- as a tribute to her paternal great- grandmother, Dona Florentina aka lola Puring (Lola’s name in the Spanish Version)”.

“ALESSANDRA- as a tribute to my sister and our lola Alejandra aka Inang. Plus, I like its meaning defender/protector. So there you have it! I hope she knows how much we wanted her”.