Kahit gaano pa kalaki ang perang mayroon ka basta hindi mo ito kayang hawakan at gastusin sa tamang paraan, maaari itong maubos sa isang iglap lang.

Ganoon din sa kabaliktaran na kahit gaano kaliit ang pera basta may diskarte ka, hindi na imposible ang pagpapalago nito sa malaking halaga.

Kagaya na lamang ng isang ginang na nagsimula sa kakarampot na puhunan na P2,000 kung saan kaniya pa itong inutang, ngayo’y kumikita na ng higit P20,000 sa isang araw.

Ang kahanga hangang ginang ay nakilala bilang si Mayette Corcuera na pagiging tindera ang kaniyang pinagkukuhanan ng pera.

Noon pa man ay nagbebenta na siya ng kung ano anong pagkain kagaya ng prutas, gulay, karne, mga miryenda at balut naman sa gabi.

Sagad sagaran ang kaniyang pagbabanat ng butø dahil apat ang kaniyang anak at hirap talaga sila sa buhay upang tustusan ang lahat ng pangangailangan ng kaniyang buong pamilya.

Sinikap mabuti ni Mayette ang kaniyang pagtitinda upang kumita ng pera. Sa katunayan, hindi lamang sa kanilang lugar siya naglalako kundi maging sa mga karatig baryo at pampublikong lugar.

Hindi nagtagal ay nagbunga ang kaniyang sipag at tyaga. Ang dating inutang na P2,000 na puhunan ay napalago niya ng P20,000!

Nagkaroon siya ng sarili niyang pwesto na kung saan makikita ang samu’t saring paninda. Nakapagbayad na din siya ng mga utang at higit sa lahat napag- aral niya sa kolehiyo ang kaniyang mga anak.

Hindi nakalimot si Mayette sa kaniyang dinanas na hirap kaya ngayon, siya naman ang tumutulong sa mga nangangailangan kagaya ng pagbibigay ng libreng pagkain at facemask sa mga tao.

Tunay ngang sipag at tyaga lamang ang susi sa tagumpay at pag asenso. Kailanman ay hindi niya ito kinahiya pagkat ito ang dahil kung bakit sila nabubuhay.

Ito ay isang marangal na trabaho at malinis ang perang nakukuha dito.