Masayang naninirahan ang mag-asawang Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna sa kanilang napakagandang bahay sa lalawigan ng Laguna. Kasama nila rito ang kanilang nag-iisang anak na si Baby Tali.

Ayon kay Bossing , ang naturang bahay na raw ito na nasa Laguna ay kanilang ipinagawa ni Poleng noong sila ay naghahanda palang at nagpaplano ng kanilang kasal.

Dagdag pa ni Bossing ipinagkatiwala daw niya lahat sa kanyang Misis na si Poleng ang pagpapagawa ng bahay at disenyo nito.

Pagmamalaki pa ni Bossing na napaka hands-on daw ni Poleng dahil tiniyak nito na magiging maayos at maaliwas ang bahay.

Mismong si Poleng daw ang pumunta sa warehouse upang bilihin ang materyales na kanyang kakailanganin.

Hindi naman nagkmali si Bossing na ipagkatiwala sa kanyang Misis ang lahat, dahil kitang kita umano ang napakagandang resulta ng disenyo ng bahay nila ngayon.

Labis din raw ang kasiyahan ni Poleng nh matapos niya ang kanyang disenyo at para sa kanila ay ito ang kanilang dream house.

Nagpapasalamat naman si Bossing at Poleng sa tulong sa kanilang ng mga mahuhusay na architect at professional designer upang makamit nila ang kanilang pinapangarap na disenyo.

Ang tema ng disenyo ay may kombinasyon na tropical at modern design sinamahan pa ng Asian Highlights.


Samantala, kahi si Poleng ang namamahala ng lahat pagdating sa disenyo ay may isang bagay na hiling si Bossing, ito ay ang pagkakaroon ng halaman at paintings sa bawat sulok ng bahay.

Nakakamangha naman talaga ang buong loob ng bahay ni Bossing at Poleng, bukod sa maaliwas ay nalakalinis pang tignan.

Pagpasok palang ng kanilang bahay ay bubungad na ang napakalawan na kapaligiran na bumagay naman dito ang high ceiling.

Malaya rin nakakapasok rito ang sariwang hangin at masisilayan mo ang natural na liwanag ng aral na nagmumula sa bintana.

Makikita rin saloob ng bahay ni Bossing at Poleng ang mga napakagandang mga obra na naka display.

Mayroon isang pader sa loob ng bahay at puno ng ibat-ibang obea bilang tribute at pagpupugay sa National Artist for Visual Arts na si Arturo Luz. Tinatayang 30 na ang bilang ng mga pagmamay-ari ni Bossing na mga paintings.

Sa living area naman ay talagang magiging komportable ka dahil sa kulay palang nito samahan pa isang sofa na kulay brown at isang dekorasyon tulad ng paintings na obra pa mismo ni Anastacio Pefaranda Austria.

Pagdating naman sa entertainment console ay makikita ang isang napakalaking TV at isang shelves kung saan dito nakalagay lahat at display ang mga natanggap ma Awards ng mag-asawa.

Mayroon din tatlong daan sa loob ng bahay ni Bossing upang makapunta sa dining area, ang isa ay sa glass sliding door kung saan makikita dito ang isang narra dining table na likha ng local maker. Sa kusina naman ay makikita na sobrang linis at kompleto sa mga kagamitan ang mag-asawa.


Sa ikalawang palapag naman ay mayroong dalawang bedrooms para sa kanyang pamilya, may dalawa rin na guestroom ang bahay na ito ni Bossing kung saan mayroong mga sariling bathroom ang bawat silid.
Sa veranda naman ng bahay ay makikita ang napakagandang tanawin at makakalanghap ka rito ng sariwang hangin. Dito ay bubungad ang tanawin na hatid ng golf curse sa kanilang subdivision.

Mayroon din ang Dream House nina Bossing at Poleng na swimming pool sa ibabang bahagi nito.


May isang lugar din ang bahay kung inilaan ito nila Bossing at Poleng para makapag-bonsing ang buong pamilya. Tiyak na makakapag-enjoy at makakapagrelax ang Sotto Family.