Isang Babae ang usap-usapan sa social media ito ay dahil sa masakit na pangyayari na kanyang naranasan, Hindi na pinangalanan ang babae sa publiko para sa kaligtasan rin nito.

Di umano ang kanyang Lalaking karelasyon ng halos 6 na taon ay nauwi lamang sa hiwalayan matapos niyang malaman na mayroon na itong karelasyon na iba!

Hindi lubos akalain ng Babae na ang kanyang boyfriend ay may babae na pala na halos 2 weeks palang nito nakilala sa larong ML. Labis na masakit ang naramdaman lalo na at nagpaplano na sana ang dalawa na magpakasal.

“Buwan nalang ikakasal na kami. Ako nag-designed ng gown para walang kapareha. 6 years kaming magka relasyon pero dahil nga may mga panahong nagkakamali ako pero napapatawad nya naman,” Pahayag ng Babae.

Napansin ng Babae na tila nagbabago na ang ugali at pakikitungo ng Lalaki sa kanya.

“Nagtry ako mag-forgot password sa account nya naka gmail sa akin. Tapos doon ko nakita. Nanginig ako, nagpanic, sabay hugot ng tubig sa ref saka ko binuksan ulit baka nagkamali lang ako.

Nababasa ko (MAHAL PARIN KITA) umiyak ako sabi ko nakipag balikan sya sa ex???pero di pala matagal na silang M.U. Ka Duo nya pala sa ML.”

Masakit man para sa Babae ay wala na siyang nagawa kundi ipatigil ang plano nila na pagpapa-kasal. Maraming netizen ang nalungkot at tila nasaktan din dahil sa sinapit ng Babae.

Komento naman ng karamihan na makakanap din daw ang Babae na tunay na Lalaki na hindi siya Lolokohin.