Ang kasal ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng buhay ng isang babae. Madami ang nanganagrap na maikasal at humarap sa altar kasama ang taong kanilang tunay na mamahalin sa habang buhay.

Madaming dahilan kung bakit nagpapakasal ang dalawang tao. Maaaring upang pangalagaan ang kapangyarihan o kayamanan, may dapat panagutan o tunay na pagmamahalan.

Labis na ikinagulat ng madami ang balitang pinakasalan ng isang 62 taong gulang na matandang lalaki ang isang 11 taong gulang na batang babae.

Samantala, lingid sa kaalaman ng marami ang tunay na dahilan kung bakit nagana pang ganitong kasalan.

Ang matandang lalaki ay nakilala bilang si Jim mula sa bansang California. Pakiramdam niya, siya na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo nang isilang ang kaniyang napakagandang anak na babae na si Josie.

Ipinangako niya mismo sa araw na iyon na ibibigay niya ang kaniyang buong lakas at pagmamahal sa kaniyang anak.

Sa kaniya na lamang umikot ang mundo nito hanggang sa tumungtong na sa 10 taong gulang si Josie nang dumating sa kanila ang masamang balita.

Napag alaman ng kanilang buong pamilya na si Jim ay mayroong Stage 4 Påncréatic Cåncér. Labis na nalulungkot si Jim dahil hindi niya na magagawang saksihan ang mahahalagang okasyon at tagumpay ng kaniyang anak.

Kaya naman nagdesisyon siyang kunwaring pakasalan ang kaniyang anak hangga’t kaya pa ng kaniyang katawan.

Engrande ang kanilang naging kasalan at maganda ang kapaligiran. Dalawang araw bago ang seremonya nang mag order si Jim ng cake, mga bulaklak at binilhan ng napakagandang gown si Josie para sa “Imaginary Marriage Party”.

Inihatid niya si Josie sa altar at nagpalitan ng mga mensahe sa isa’t isa. Sila ay binasbasan ng pastor bilang “Father and Daughter” habang ang mga bisita ay hindi napigilang umiyak habang pinapanood ang dalawa.

Makalipas ang isang buwan matapos ang kasalan, pumanaw na si Jim. Paniguradong hinding hindi malilimutan ni Josie ang ginawa ng kaniyang ama para sa kaniya at mananatili ito sa kaniyang puso habang buhay.