Isa sa mga nagiging problema sa ating bansa ay ang hindi patas na hustisya lalo na sa mga mahihirap kaya naman kinakailangan ng mga abogado na siyang magiging sandigan ng mga ito sa oras na sila ay naaabusado.

Gayun pa man, ang pagpasok sa abogasya ay tunay na masalimuot na proseso. Kinakailangan ng sipag at talino sa legal na propesyong ito dahil kinakailangan nilang pag- aralan ang Sistema at mga patakaran sa ating bansa.

Kapalit ng kanilang pagsusunog ng kilay sa eskwelahan ay ang mataas na bayad mula sa kanilang kliyenteng naipagtatanggol at naipapanalo sa loob ng court.

Samantala, madami pa din ang mga abogadong pinipiling ipagtanggol ang mahihirap nang hindi nanghihingi ng kahit na anong kapalit.

Mabilis na umikot sa social media ang larawan ni Atty. Noel Allen Bose na hawak hawak ang isang bungkos ng naglalakihang mga alimango sa harap ng court room sa Sorsogon City.

Photos courtesy of Facebook @NoelAllanBeso

Sa likod ng larawan na ito ay ibinahagi niya ang kaniyang naging ingkwentro sa kaniyang naging kliyente na walang maipambayad sa kaniyang court appearance sa hearing nito.

Nakiusap ang kliyente kay Atty. Bose kung maaari bang ang kanilang nahuling mga alimango na lamang ang kanilang ipambayad kapalit ng kaniyang serbisyo.

Walang pag aalinlangang tinaggap ito ng abogado. Sa katunayan ay natutuwa itong makatanggap ng bagong huling alimango.

Para sa kaniya, sulit pa din ang kaniyang serbisyo para sa mga kliyenteng ganito.

“Nakakataba ng tiyan ang alimango, (at nakakamanhid ng batok) pero mas nakakataba ng puso ang inyong mga reactions sa post kong ito!

Photos courtesy of Facebook @NoelAllanBeso

Gusto ko rin sanang pasalamatan lahat ng mga abogado na nagtatrabaho sa gobyerno at pribado.” pahayag ni Atty. Bose, na mula pa sa Legazpi, Albay.

“Hindi sila madalas magpost ng kanilang trabaho at mga pagsubok, pero di hamak na masisipag at dedikado sila sa kanilang pangakong tumulong sa kapwa Pilipino,” dagdag pa nito.

Ibinahagi din ni Atty. Bose ang nakakatuwang pag-uusap nila ng kanyang kliyente:

Client: Atty. Wala akong pambayad ng appearance fee mo. Pwede po ba yung huli nalang namin ang ipambayad ko sainyo?

Me: Aba, okay lang sakin.

(Inabot nito sa abogado ang kanyang mga nahuling alimango.)

Client: ” Salamat po Atty.!”

Me: “…” *