Ang pagmamahal ay isa sa pinakamahirap pigilan. Ito ay kusang dadating at tatama na lamang ng hindi mo inaasahan.

Sa panahon natin ngayon, karaniwang nagkakatuluyan ang mga magkarelasyong nagsimula lang sa internet.

Hindi natin masisisi ang ilan kung ang modernong teknolohiya ang kanilang naging daan sa paghahanap ng pag- ibig.

Kagaya na lamang ng Vietnamese na si Nguyen Van Anh na nagdesisyong magpakasal sa isang lalaking nakilala niya lang sa social media.

Kahit pa hindi niya kilala ang buong pagkatao nito, walang pag- aalinlangan itong sumagot ng “oo” nang nagpropose ang kaniyang long distance na nobyo.

Ayon kay Van Anh, maayos naman ang kaniyang karera at nakapagtapos siya sa isang magandang eskwelahan na Hanoi University of Science and Technology taong 2015 ngunit tila ba may kulang pa sa kaniyang mga nakakamit.

Iyon ay ang pagnanais na mahanap ang lalaking magmamahal sa kaniya ng lubos at tatanggap sa kaniyang buong pagkataon.

Isang araw nang makita niya ang kaniyang idolo sa Facebook, agad na napukaw ang kaniyang pansin sa isang lalaking kasama nito sa larawan.

Sinubukan niyang magpadala ng mensahe sa kaniyang idolo at nagbaka sakaling mapansin siya nito.

Bagaman hindi ganoon kalapit ang idolo ni Van Anh sa kaniyang tinutukoy na lalaking si Dang Tuan. Nagsimula silang makapag usap gamit ang social media dahil si Dang ay kasalukuyang nasa Russia at si Van Anh naman ay nasa Vietnam.

Hindi naging hadlang ang distansya para sa dalawa at ipinagpatuloy ang namumuong relasyon nila. Lumipas ang 10 buwang pag- uusap sa social media nang alukin ng kasalan ni Dang Tuan si Van Anh at sinagot ito ng matamis na oo.

Hindi naging pabor sa ina ni Van Anh ang kanilang naging desisyon. Sa katunayan, sinabi nito na pagsisisihan niya lamang ang pagpapakasal sa isang lalaking nakilala niya lang sa social media dahil hindi niya naman alam ang buo nitong pagkatao.

Hindi sumuko ang dalawa at pinatunayan na tuna yang kanilang pagmamahalan. Lumipad papuntang Vietnam si Dang Tuan upang opisyal na hingin ang kamay ng kaniyang nobya kaharap ang mga magulang nito.

Hindi nabigo ang dalawa dahil sa wakas ay nakakuha na sila ng blessings mula sa mga ito.

Sinimulan na nila ang preparasyon sa kanilang kasal at doon nabunyag ang lihim na itinatago ni Dang kay Van.

Ang dahilan kung bakit sa Russia namamalagi si Dang ay dahil isa siyang millionaire na isang general manager ng isang sikat na fashion brand.

Dinala niya si Van sa Russia at doon niya ipinakita lahat. Ipinaliwanag ni Dang na nais niya lamang na malaman kung kaya siyang mahalin ng isang babae ng hindi dahil sa kaniyang pera kundi dahil sa tunay na pagmamahal.

Noong nakaraang taon ay naganap na ang kasalan ng dalawa at sa Russia na sila parehong nakatira.