Isa sa pinakamalaking responsibilidad ay ang pagiging isang magulang, Isang responsibilidad na hindi dapat takasan ng sino man.

Maging isang taong huwaran na siyang gagayahin ng mga anak natin habang lumalaki.

Bilang isang magulang, ang kapalaran ng mga anak ay naka depende rin sa atin kung paano natin sila gagabayan habang lumalaki.

Tungkulin ng nga magulang na mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak at maibigay ang lahat ng pangangailangan at ang higit sa lahat ay iparamdam sa mga anak ang labis na pagmamahal.

Subalit may isang tagpo at kweto na labis na nakakalungkot at nakakadurog ng puso na ngayon ay usap-usapan sa social media.

Ito ay ang pag-abandona ng isang magulang sa kaniyang mga anak. Dalawang paslit na magkapatid ang iniwan sa may harap ng isang restaurant sa Valenzuela.

Ang naturang pangyayari ay ibinahagi mismo sa Facebook ng isa sa empleyado ng Mang Inasal sa People’s Park sa Valenzuela City, sinasabi umanondito na iniwan ang magkapatid ng kanilang Ina sa may harap ng nasabing restsurant.

Makikita sa mga larawan ang isang batang lalaki kung saan bitbit nito ang kanyang kapatid na Lalaki sa harap ng restaurant.

Ang magkapatid ay galing umano sa Tondo at iniwan daw sila sandali ng kanilang Ina upang bumili lang raw ng payong ngunit hindi na ito muli pang bumalik.

Ayon mismo sa nagpost na si Myleen, ang magkapatid raw na paslit ay naroon na ala-6 palang ng umaga kaya naman napansin nito na antagal na nitong naghihintay sa gilid ng restaurant.

Ilang oras pa raw ang nakalipas ay hindi na daw nakatiis si Myleen at nilapitan na niya ang mga bata upang ito ay kamustahin at tanungin kung nasaan ang kanilang mga magulang.

Subalit ang tanong ni Myleen ay hindi na nasagot ng paslit bagkus ay bumuhos na lang ang luha ng bata at sinasabing gusto na nilang umuwi ngunit hindi nila alam kung papaano.

Panawagan naman ni Myleen sa social media,

“Kung sino man po ang magulang ng mga batang to pakibalikan naman sila. Kawawa yung mga bata kanina pa daw 6 am naghihintay dyan.

Nagpaalam lang daw ang nanay nila na bibili lang ng payong pero hindi bumalik. Taga TONDO daw po sila. Gusto na nilang umuwe pero hindi nila alam kung pano.”

Ang post na ito ni Myleen ay mabilis kumalat sa social media. Marami ang mga netizen ang nakabasa nito ang ilan ay magkahalong lungkot at pagkadismaya ang naging reaksyon ng mga ito.

Wala nang ibang lumabas na post si Myleen tungkol dito. Kaya naman halos lahat ng netizen ng nakabasa ng kwento ng magkapatid ay nagdarasal na sanay ay matulungan ang magkapatid at nasa maayos ang kalagayan ng mga ito.

Source: The Daily Sentry