Sa buhay, hindi mawawala ang responsibilidad kahit na sa anong edad. Maaaring responsibilidad sa sarili o kaya man sa pamilya at iba pang mga taong konektado sa iyo.

Samantala, isa sa pinakamabigat na responsibilidad ay ang pagkakaroon ng anak lalo na’t hindi ito napaghandaan.

Kilala si Buboy Villar bilang isang magaling na child star noon ngunit maaga din siyang nagkaroon ng anak noong 2017 at nadagdagan ang responsibilidad.

Sa kabila ng pagiging batang ama ni Buboy, hindi niya ito tinakbuhan bagkus ay ginawa niya ang lahat upang buhayin ang kaniyang fiance na si Angillyn Gorens at dalawang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar)

Sa kasamaang palad, nito lamang nakaraang 2020 nang aminin nila sa publiko ang kanilang hiwalayan ni Angillyn na sana ay pakakasalan sa US.

Ganoon man ang nangyari sa kanilang dalawa, ngunit ang kaniyang responsibilidad sa mga anak ay hindi naputol. Gumagawa siya ng mga Youtube videos at nagnenegosyo ng paresan na kilalang “Pares ni Bok”

Sa kaniyang post, mababasa ang pag abot ng kaniyang pasasalamat para sa mga sumusuporta ng kaniyang negosyo dahil dito siya kumukuha ng ipangbubuhay sa kaniyang nabuong pamilya.

Maraming salamat sa mga nag support sa #ParesanNiBok eto ah kahit ano pa man pasukin mo makakaya mo bastat sipag at tyaga lang hindi na kasali dito kung mataas ka man o mababa bastat parehas tayo tao at kailangan natin mabuhay sa pang araw araw. Alam kong hindi lang eto ang kaya ko!