Ang kaarawan ng tayo ay ipinanganak sa mundong ibabaw ang pinaka-mahalagang araw sa buhay natin kaya naman sa tuwing ito ay sasapit sa isa sa ating kapamilya ay kadalasang ito ay pinaghahandaan ng masasarap na pagkain lalo na kung ang may kaarawan ay isang bata.

Karaniwan nating makikita sa isang handaan ay ang mga pagkain tulad ng Spaghetti, Fried chicken at Cake.

Ngunit hindi lahat ay may kakayahan na bumili nito dahil sa hirap ng buhay lalo na sa ngayon na mayroong pandemya na kinahaharap ang buong mundo kaya ang iba ay hindi na magawang makapag handa pa.

Samantala, ang ating pag-uusapan ay maihahalintulad sa isang larawan ng isang bata na viral ngayon sa social media, makikita sa larawan na may hawak na cake ang bata na gawa mula sa nilupak na saging ito ay gawa ng kanyang Ina.

Kinilala ang Ina na si Lea Orita Cruza , ang naturang post ay nagviral matapos itong ibahagi sa kanyang Facebook account.

Sa larawan ay narito ang kanyang na anak na nagdidiwang ng ika-11 kaarawan nito habang hawak ang Cake na mismong kanyang Ina na si Lea ang may gawa.

Hinangaan naman ng mga netizen si Nanay Lea dahil sa kabila ng kakapusan ay nakagawa pa rin siya ng paraan para mabigyan at magkaroon ng cake ang anak nito at mairaos kahit simple ang kaarawan.

Narito ang pahayag ni Lea sa kanyang post:

“Happy birthday dong, hinaot unta tagaan paka ug kabaskog sa lawas ug kaon na ug 2da aron manambok na hehehe hinaot unta mahorot ng akong hinemu na nilosak cake nemu hahaha gkapoi rba Jud qo ug lusak ana dong, hahaha iloveyou…”

[“Happy Birthday Dong, sana ay bigyan ka pa ng malakas na pangangatawan at kain ka ng marami para tumaba na hehehe sana maubos mo ang aking ginawang cake hahaha napagod akong gawin yan dong iloveyou…”]

Tunay na kahanga-hanga si Nanay Lea, dahil sa kabila ng kahirapan ay nakagawa siya ng paraan para maging masaya ang kanyang Anak. Saludo kami sayo Nanay Lea!