Marahil marami sa atin ang nakakakilala sa matulungin na vlogger na si Virgelyncares.

Marami-marami ng natutulungan si Virgelyncares at ngayon ay may panibago nanaman siyang natulungan na isang dalaga na magbibigay inspirasyon sa marami.

Nakilala ang dalaga na sa pangalang Klara, sa murang edad na 17 taong gulang ay kinakailangan na niyang magbanat ng bütø para matustusan ang pangangailangan nilang mag-ama sa araw-araw.

Sa video na in-upload ni Virgelyncares, ikinwento niya dito na dati palang tindera sa isang bakery si Klara kung saan siya madalas na bumibili ng tinapay.

Ngunit sa kanyang pagbalik dito napag-alaman ni Virgelyncares na hindi na doon nagtatrabaho si Klara.

Kaya naman napagdesisyunan niya na puntahan na lamang si Klara sa mismong bahay nito, naabutan namam niya dito ang dalaga kung saan naghahanda ito ng kaniyang mga paninda.

Nalaman ni Virgelyncares na si Klara pala ay naglalako ng meryenda at siya ay nakikipwesto lamang sa kanilang kapitbahay na mayroong mabuting kalooban.

Bukod sa paglalako sa kalsada, si Klara ay nag oonline seller din pinagsasabay niya maibenta ang ilan sa kanyang produkto at mga meryendang nilalako online.

Nakakalungkot lamang dahil sa murang edad ni Klara ay kinakailangan niya nang magbanat ng bütø para sa kanilang mag-ama.

Ang kaniyang Ina kasi ay matagal na silang Iniwan at ang Ama naman nito ay hindi makapagtrabaho dahil ito ay na-strøke at hindi pa makagalaw at makapag salita ng maayos.

Samantala, ang kasipagan na ito ni Klara ay nakamamangha dahil nakapagpatayo na siya ng sarili nilang bahay sa edad niyang 17.

Ayon sa kanya naaawa kasi siya sa kanyang Ama na walang maayos na natutulugan at nasisilungan sa tuwing siya ay aalis para magtinda.

Dagdag pa ni Klara, sa tulong raw ng kaniyang tiyuhin ay unti-unting nabubuo ang kanilang munting tahanan.

Makikita naman sa mga mukha at mapapansin sa pananalita ni Klara na Mahal na mahal niya ang kaniyang Ina.

Ngunit sinabi rin nito na nakaramdam siya ng galit ng iwan sila nito. Ngunit nais pa rin niyang bumalik sa kanila ang kanilang Ina lalo na ngayon na malapit ng matapos ang kanilang munting tahanan na ipinapatayo.

Labis naman ang pasasalamat ni Klara at ng ama nito sa ibinigay na tulong Pinansiyal ni Virgelyncares at mga OFW na sumusuporta sa vlogger.

Narito sa baba ang kabuuang video ng kwento ni Klara.