Masasabi natin na isa sa pinakamahalagang parte sa ating katawan ay ang ating mata, dahil ang mata ang nagsisilbi o nagbibigay liwanag sa atin upang makita natin ang ganda na mayroon ang ating mundo. Kaya naman ang parting Mata ay isa sa pinaka-dapat natin ingatan.

Subalit sa panahon ngayon tila ang marami sa atin ay inaabuso ang mga mata, dahil sa mga makabagong teknolohiya na nauuso at nagagawa sa panahon ngayon.

Hindi maiwasan ang pagtingin sa mga gadgets na halos buong magdamag ay nakapokus lamang ang ating mga mata dito dahil para mawalan ng pahinga ang ating mga mata.

Kaya naman malaki ang nagiging epekto ng paggamit ng mga gadgets sa pagkakaroon ng dipirensya sa ating mga mata.

Para sa kaaalaman naman ng lahat ang madalas na paggamit ng gadget tulad ng cellphone ay nakakapekto sa ating kalusugan. Partikular na sa mata na maaaring mauwi sa pagkasira.

Katulad na lamang ng sinapit ng isang babaeng taiwanese kung saan muntik na ito mawalan ng paningin dahil sa labis na paggamit ng cellphone.

Ang babae ay nakilala sa pangalang Chen, madalas raw siyang gumamit ng cellphone habang naka-off ang ilaw sa loob ng kanyang kwarto kaya naman hindi niya maiwasan na gamitin ang kanyang cellphone na hindi naka todo ang ilaw .

Kwento pa ni Chen, kahit kagagaing lamang sa trabaho ay gumagamit siya agad ng Cellphone upang malibang maging bago matulog ay cellphone pa rin daw ang kanyang hawak.

Ang ganitong Gawain ni Chen ay tumagal ng halos dalawang taon, Ngunit nang taong 2018 ay nagsimula ng makaramdam si Chen ng pagkairita sa kaniyang mata.

Ayon kay Chen noong una raw ay hindi niya raw ito pinansin at kanya lang nilagyan ng eyedrop upang mawala ang pagkairita sa kanyang mga mata.

Makalipas lang daw ang ilang araw ay doon na niya napansin na nagsisimula ng mamula ang kaniyang mata at kahit pa lagyan niya ito ng eyedrop ay hindi parin humuhupa.

Bukod sa pamumula ng kaniyang mga mata ay unti unti na rin daw siyang nakakaramdam ng sakit at kirot, kaya naman agad siyang pumunra sa døctor upang ito ay ipakunsulta.

Ayon sa døctor, ang bløød vesséls daw sa kaliwang kornea ni Chen ay napuno na ng dugø sanhi rin daw nito kung bakit humina ang kaniyang paningin nanasa 0.6.

Samantala sa kanan naman niyang kornea ay may nakitang maliit na Butas na aabot ng halos 500 at sanhi rin nito ay ang pagkababa ng kaniyang paningin na umabot na sa 0.3

Pahayag pa ng doctor, ang pangyayari daw na ito kay Chen ay dahil sa screen brightness ng cellhpone na mayroong 625 lumens.

Ayon kasi sa mga eksperto o døktor ay nasa 300 lumens lamang ang kanilang nirerekomenda.

Dahil naman sa sinapit ni Chen, nagbigay siya ng babala sa lahat na huwag na huwag sanayin ang sarili na gumamit ng Cellphone sa Dilim at naka-off ang ilaw upang maiwasan ang kanyang sinapit.

Paalala rin ng nga døktor na huwag gumamit ng cellhpone na mahigit dalawang oras habang ang screen brightness ay naka todo dahil maaaring maging sanhi ito ng pagkasira ng ating mga mata.