Sa ating patuloy na paggamit ng social media marami tayong mga video na natutunghayan ang iba ay puro katatawanan at katatakutan ngunit kung minsan ay may kinalaman sa mga kasalan, Ngunit ang video na ating pag-uusapan ngayon ay tila kakaiba.

Maraming netizen di-umano ang nakapansin sa isang babae na ito na tila malungkot sa kaniya mismong kasal na kuha umano ng kaniyang “ex-boyfriend”.

Halatang-halata daw sa kilos at histura ng babae na tila labag sa loob nito ang kanyang pagpapakasal.

Sa video na kuha umano na sinasabing dating kasintahan na babae, mapapansin ang pagbabago ng mood ng babae at napapangiti pa ito sa tuwing mapapatingin sa camera ng nasabing ex-boyfriend.

Mula naman sa mga komento ng netizen, hindi raw masaya ang babae aa nangyaring kasal kaya naman ganito na lang ang pagkilos nito.

Ilan sa mga hinala ng netizen ang nangyaring kasal ay klase ng “Arranged Marriage” na pangkaraniwang nangyayari dito sa Pilipinas at parte ng tradisyon ng ilang mga relihiyon.

Ang halimbawa na lang diyan ay ang mga Filipino Muslim sa Mindanao. Ngunit ang mga ito raw ay maaari lamang maganap sa pahintulot ng parehong partido.

Ang ganitong paraan daw ng kasal ay legal at matagal na itong ipinapatupad ng naturang kultura.

May mga nagbiro naman sa mga komento na dapat ay wag na lang daw dumali ang mga “EX” sa kasal ng dati nilang kasintahan.

Wala naman inilabas pang balita o pahayag kung bakit ganoon na lamang ang mood ng babaeng ikakasal.

Source: Facebook , The Daily Sentry