Dito sa ating mundong ibabaw ibat-iba ang lahi ng mga tao may nga kanya-kanya rin pinaniniwalaan ang bawat isa.

Ngunit pagdating sa pag-ibig kahit ano pa man ang iyong lahi ay napag-iisa sa Ngalan ng Poong Maykapal.

Isang patunay diyan ang kwentong pag-ibig ng isang mag-asawa na ito. Kung saan ang Lalaki ay isang Kristiyano at wala siyang pag-aalinlangan na lumipat sa relehiyon ng Islam para lamang mapag-isang dibdib sila ng kanyang kasintahan na isang muslim.

Kwento ng Lalaki, may apat na taon na sila ng kanyang kasintahan na isang Muslim ngunit kahit kailan daw ay hindi pa niya nakikita ang mukha nito dahil ito ay palaging nakatakip sa mukha, hanggang sa dumating ang araw ng kanilang kasal.

Mapapanood sa naturang video sng reaksyon ng Lalaki na si Mehdi Isa Arathoon na gulat na gulat at hindi maipaliwanag ng makita niya sa unang pagkakataon ang mukha ng kanyang magiging asawa na si Mu ina Mustafa.

Napag-alaman na si Mehdi ay galing sa isang Christian Family habang si Mubina naman ay isang Muslim.

Nagkakilala ang dalawa ng sila ay maging magkaklase sa Psychology class sa University of Toronto.

Kwento ni Mehdi una daw silang nagkakilala ni Mubina ng siya ay magpatulong sa isa sa kanilang assignment.

Kalaunan ay nagka-mabutihan sila at napagdesisyunan ni Mehdi na magpa-convert sa Islam para kay Mubina.

Sa buong taon daw nilang magkaibigan at hanggang sa naging magkasintahan ay hindi umano tinanggal ni Mubina ang kaniyang niqaab at hindi pa niya nakikita ang histura nito.

Ang niqaab at isinusuot ng ilang babaeng Muslim para mapanatili ang kanilang privacy mula sa mga lalaking hindi nila kamag-anak.

Paraan din nila ng pagtalina sa turo ng Quran tungkol sa pagiging modest ng suot ng mga babae.

At nang sila ay ikasal doon lamang nasilayan ni Mehsi ang histura ni Mubina.

“On our wedding, my face was not covered. Why? Because the men and the women were separated and when my husband had to see my face, we actually went to a private room and that’s when he got to lift my veil.”

“When I finally saw her face it was shocking- I didn’t know how to react! My first word was like, ‘Wow’. I felt a little weird because I’d spent four or five years without seeing her face… I started tearing up.”

Yan ang naging pahayag ni Mehdi ng una niyang masilayan ang histura ng kanyang magiging asawa.