Kung minsan sa ating paglalakad ay mayroon tayong napupulot na kung ano-ano minsan ay gamit o kaya naman ay pera at madalas ay sinasauli naman natin ito sa mga awtoridad upang ibalik sa totong may-ari nito na maaaring nangangailangan din.

Ngunit marami din sa atin ang nangangarap na sana ay mabigyan o makapulot ng pera, sino nga ba naman ang ayaw ng pera lahat tayo ay nangangailangan ng pera.

Kaya naman mayroong isang pangyayari na usap-usapan sa social media ito ay matapos dumugon ang isang tao at nagresulta ng komosyon sa New York City.

Ito ay dahil sa lalaking naghahagis ng mga Dollar Bills sa mga taong dumadaan sa nasabing kalya ito raw ang kanyang pamamaraan sa paggunita ng pagkamatay ng kanyang matalik na kaibigan.

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook Page na Trax NYC Custom Jewelry, Sinabi raw ng hindi pa nakikilalang lalaki na ang paghagis niya ng pera ang kaniyang pamamaraan para alalahanin ang kanyang matalik na kaibigan at singer na si Joe Kush na pumanaw noong nakaraang taon.

Ayon naman sa naturang post, si Joe ay binaril umano sa isang lugar sa Detroit ito raw dahil siguro sa selos.

Sinabi din ng kaibigan niya na hindi mapagkakaila na ang kinikita raw ni Joe noong nabubuhay napakalaki at napaka-buting tao rin daw ni Joe Kush lalo na sa mga taong nangangailangan.

Dagdag pa ng lalaki, mahilig raw kasi si Joe noong nabubuhay pa na mag hagis rin ng pera sa daan upang makuha ng mga taong dadaan sa kanya, kaya naman ito ang naisipan niyang gawin upang gunitain ang kanyang kaibigang pumanaw.

Narito ang kabuuang post:

“Lost a great friend, great customer one year ago. Rest In Peace thegod_joekush

All I know is he was shot d34d somewhere in Detroit, probably over jealousy. He was making good money and was a great dude, now I understand why they say the good d13 young.”

Umani naman ng mga positibong komento sa social media ang ginawa ng lalaking ito.