“Mahal na Mahal kita” yan daw ang bukang bibig at paulit-ulit na habilin ni CPL Carlo Dapanas Jr.

Sa video call sa kanyang asawa na si Mabel Dapanas ilang minuto lang bago ito sumakay nag-crash na eroplano na C-130 Aircraft nito lamang linggo.

“(Sabi niya) mag-ingat diyan sa bahay, mahal daw niya ako. Hindi niya raw ako kakalimutan at tsaka ‘yong anak namin.

Sign na talaga niya na parang may mangyari sa kanila. Hindi niya matiis na hindi niya ako ma-contact, ma-video call,” kuwento ni Mabel.

Dagdag pa ni Mabel bigla daw naputol ang tawagan nilang mag-asawa kaya naman sinubukan niya ulit itong tawagan ngunit hindi na raw niya ito ma-contact.

Laking gulat niya ng kanyang mabalitaan na bumagsak ang C-130 Aircraft na lulan ng mga sundalo kasama na ang kanyang asawa.

Labis ang paghihinagpis ng pamilya ni Mabel, kwento pa niya na marami pa daw itong pangarap para sa kanila ng kaniyang anak.

“Bago siya pumunta ng Sulu, sabi niya magpundar daw siya ng bahay at tsaka ng business sabi niya sa akin para sa kaniyang anak,” dagdag ni Mabel.

Buong bansa ay nagluluksa ngayon dahil sa sinapit ng ating mga bayaning sundalo, Salamat sa paglilingkod sa Bayan buong buhay niyo ay inyong inalay sa bansa. Rest in Peace Heroes.

Narito sa baba ang buong kwento ni CPL Carlo Dapanas Jr.