Tayong mga Pilipino marami tayong mga kasabihan isa nga diyan ay ang “Kung ano ang iyong itinanim, Ay siya ring Aanihin”. Ang ibigsabihin lang sa madaling salita.

Kung ano ang iyong ugaling ipinakita sa iyong kapwa ay siya ring ibabalik sayo. Ganyan ang nangyari sa isang taong grasa na kung saan biglang nag-iba ang takbo ng kanyang buhay dahil sa isang aso.

Nakilala ang Lalaking taong grasa sa pangalang Dante, Siya ay walang sariling bahay at naka depende lang kanyang kakainin kung may mahihingi siya sa lansangan araw-araw.

Kung minsan naman si Dante ay naglilinis ng sapatos para kahit papaano ay kumita. At pagsapit naman ng gabi ay naghahanap na siya ng matutulugan o masisilungan, ganyan ang buhay ni Dante araw-araw.

Subalit sa kabila ng kakapusan at kahirapan nanatling may mabuting puso si Dante na tipong kahit saan siya mapadpad at basta may nanghihingi ng tulong ay kaagad niyang tutulungan sa abot ng kanyang makakaya, lalo na sa mga kapwa niya manlilimos.

Isang araw sa paglalakad ni Dante ay may nakita siyang Aso sa daan na halos nanginginig na ang aso sa lamig kaya naman napagdesisyunan ni Dante na ito ay kupkupin.

Hindi nagtagal ay kanya itong inalagaan at binigyan ng pangalang Bruno. Kahit pa nasaan si Dante ay sumusunod sa kanya si Bruno bilang mabait na amo kahit pa walang makain si Dante ay ayos lang basta sapat ang kinakain ni Bruno.

Masaya si Dante dahil hindi na siya nag-iisa dahil dumating si Bruno na naging kanyang kasa-kasama kahit san magpunta, Masaya rin si Bruno dahil nakatagpo siya ng tagapag-alaga na mahal din siya.

Samantala, isang araw si Bruno ay patungo kay Dante na may bitbit na maduming Bag. Laking gulat ni Dante ng kanya itong buksan ay bumulaga sa kanya ang sandamakmak na pera.

Nang tignan ito ni Dante ay walang anumang palatandaan kung kanino ang naturang bag kaya naman napagdesisyunan niyang dalhin ito sa isang Police Station.

Ayon naman sa pag iimbestigasyon naglalaman ang naturang bag ng 2 Million Pesos at bilang city ordinance kung walang magki-claim ng naturang pera ay mapupunta ito sa taong nakakita.

At makalipas ang ilang bwan ay walang report na naghahanap ng nawawalang bag. Kaya naman ibinigay ng mga pulis ang pera kay Dante at sa kanyang aso.

Ngayon ay halos umaapaw sa galak si Dante at kasiyahan dahil sa hindi inaasahang biyaya na kanyang natanggap.

Plano ni Dante na magpatayo ng bahay para sa mga homeless na tao tulad niya. Bukod dito ay gagamitin niya ang ibang pera para gawan ng bahay ang kanyang aso na nagbigay sa kanyang ng swerte.