Isa si Ivana Alawi sa mga pinaka-sikat na artista at vlogger sa bansa. Kahit na hindi pinalad noon ang aktres ng una siyang sumubok sa pag-arte ng siya sumali sa reality talent show sa GMA7 na “Starstruck” ay hindi nawalan ng Pag-asa si Ivana.

Muli siyang nabigyan ng pagkakataon nang magkaroon siya ng oportunidad sa kanyang karera at mapabilang sa mg artista ng Kapamilya Network noong 2018.

Ilan nga sa mga naging proyekto ni Ivana sa Kapamilya ay Precious Heart Romances Present Araw Gabi at ang isa naman ay sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Nasundan naman agad ang proyekto ng aktres noon 2019 kung saan ito ang kanyang kauna-unahang lead role ito ay sa Kapamilya prime time series na “Sino Ang Maysala?”.

Subalit nahinto ang mga proyekto ni Ivana sa pag-aartista taong 2020 dahil sa pandemya ngunit kasabay nito ay umarangkasa naman ang kasikatan ni Ivana sa pagiging Vlogger na sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 13.3M subscribers sa kanyang YouTube Channel.

Masasabi ngayon na sobrang layo na talaga ng narating ni Ivana sa pagiging Aktres at Vlogger dahil sa kanyang natatamasa ngayon na tagumpay.

Ngunit hindi alam ng marami na matindi ang hirap na pinagdaan sa buhay ni Ivana bago siya magtagumpay.

Ito nga ay nang-kanyang ikwento sa kanyang latest vlog ang hirap na kanyang pinagdaan bago marating ang tagumpay na mayroon sila ngayon ng kanyang pamilya. Inamin ni Ivana na noon pa man na hindi siya sikat ay nasa puso na niya ang pagiging isang breadwinner ng kanilang pamilya.

Naitanong kasi kay Ivana ng kanyang nakababatang kapatid na babae na si Mona kung bakit niya napag-pasyahang magtrabaho kahit bata palang si Ivana.

Agad naman itong sinagot ni Ivana na walang pag-aalinlangan na gusto niya talagang tumulong sa kanyang Ina at Pamilya

Kwento pa ng Aktres, kahit hindi pa raw siya nag-aartista ay nais na niyang tumulong sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng mga raket niya, sa katunayan nga daw ay madami na siyang pinasok na mga raket isa na nga diyan ay ang pamimigay ng flyers.

Naranasan din raw ni Ivana na mawalan ng Raket dahil raw sa kanyang Itsura.

“Nung nawala yung aming tatay, nung hindi kami sinusuportahan, nagpa-flyering ako, nagraraket ako para makatulong din sa Pamilya”
“Dumating din yung time na wala akong naging raket kasi Pangit ako.”

Nang sabihin ni Ivana na siya ay pangit ay agad kumontra ang kapatid nitong si Mona at sinabing maganda ang kanyang Ate Ivana.

Ngunit agad naman ipinaliwanag ni Ivana na ang kanyang ibig sabihin ay ang kanyang height na hindi raw pumapasa sa mgs requirements.

Dahil sa walang raket ay si Mona raw ang nagsalba ng kanilang gastusin sa pamilya nang ito ay pumasok sa showbiz.

Si Mona raw ang naging katulong ng kanyang Mama Fatima sa pangangailangan ng kanilang Pamilya. Ngunit hindi rin daw nagtagal ay nagpahinga na ito sa pag-aartista. Dito raw nag simula ang at subukin ang pagtutulungan nilang magkakapatid

“If any one of us finds that much success, automatically each one will help each other,” pahayag ng kapatid ni Ivana na si Hashim

Ito ay sinang-ayuna naman ni Ivana, Aniya “Kasi Ganon kami pinalaki. Hindi kami pinalaki na maging makasarili. I’ll always be here for you guys.”

Dagdag naman ni Mona, “We think as a family. Kaya I really look up to ate.”

Ikinuwento rin ni Ivana ang tungkol sa paghihiwalay ng kanyang magulang na si Mama Fatima at ng ama nitong Morrocan na si Samier Al-Alawi.

Ayon sa aktres matapos raw maghiwalay ng kanilang magulang ay bumalik na sila dito sa Pilipinas. At dito nga raw ay naranasan ng Ina ni Ivana na mangutang dahil sa kawalan ng pera.

Naranasan rin daw nilang mawalan ng pagkain at para labg magkaroon ng pang-ulam ay madalas raw mangutang sa tindahan ang kanyang Ina umabot rin daw sila sa pag-uulam ng toyo dahil walang mautangan ang kanilang Ina.

Aniya ni Ivana,
“Dumaan din ako don way, way back. Pagdating ko sa Pilipinas yung Mama ko laging nangungutang kasi wala kami makain.”
“Nakaranas din kami na magtoyo at saka kanin kasi wala na siyang mautangan.”
“And I’m thankful kasi isa siyang stepping stone, e. Yun ang nagpu-push sa akin.”

Samantala, muli naman nagkita si Ivana at ang Ama nito noong 2018, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nasawi ang ama nito dahil sa isang héart attåck.

Lingid sa kaalaman ng publiko ay sa pagpanaw ng kanyang Ama ay ipinamana nito lahat ang mga ari-arian nito sa Bahrain sa kanyang Anak na si Ivana Alawi.