Usap-usapan ngayon sa social media ang mga bidyo na kumakalat tungkol sa Komedyante at Dabarkads na si Jimmy Santos, Di umano ang aktor daw ay nagtitinda sa Palengke ng Angeles City, Pampanga.

Ito ay pinabulaanan naman ng Wowowin Host/Actor na si Willie Revillame, Wala raw katotohanan ang mga balita na lumalabas tungkol kay Jimmy na nagtitinda daw sa Palengke at hindi daw paniwalaan ang mga balitang ito giit pa ng host.

Ang mga kumakalat raw na mga larawan ni Jimmy na nasa Palengke ay mula raw sa Youtube Channel nito kung saan sa isa niyang video ay sinubukan niyang maging isang meat vendor sa Pampanga Market sa Angeles City, Pampanga.

Para sa kaalaman ng lahat, Bago pa man pasukin ni Jimmy Santos ang pag-aartista ay naging isa muna siyang ‘starting five’ players ng Jose Rizal Heavy Bombers kung saan sila ay nagwagi ng isang NCAA Championship noong 1972.

Taong 1980s naman ng mapagdesisyunna ni Jimmy na pasukin ang showbiz at pagiging komedyante at hindi naman siya nabigo dahil agad nag-click ang kanyang pagpapatawa sa masa.

Simula noon at naging regular na siya sa seryeng Bukol at T.O.D.A.S. Kinuha rin siyang isang host ng Eat Bulaga noong 1983 at isa siya sa mga longest serving member.

Dagdag pa diyan dahil ngayong pandemya hindi na siya masyado napapanood sa Eat Bulaga kaya naman nagdesisyon siyang gumawa ng sarili niyang Youtube Channel na kung saan ay nag enjoy naman siya sa kanyang ginagawa ngayon.

“Shine-shar𝔢 ko lang yung kaunting kaalaman ko at naikukuwento rin sa akin yung mga tungkol dito sa Pampanga, yung history.”

“Ang pagvo-vl𝔬g hindi naman basta ganun lang e. Kailangan meron din sense na kailangan na kapulutan ng aral. Alam mo naman ang kaalaman, walang katapusan.”

Humanga naman ang mga tagahanga ni Jimmy at mga Netizens sa kanyang isang vlog na may titulong “Jimmy Santos Suma-sideline sa Palengke”.

Narito ang ilang mga komento ng netizen:

Sabi ng isang Marketman na si CJ :
“Eto po ang halimbawa kung papaano mag-ent𝔢rtain at magpatawa nang hindi nanlala𝔦t ng ibang tao. Maram𝔦ng salamat po Tito Jimmy!”

Para naman kay Macoy Aaron :
“Eto yung artista na hndi m𝔞𝔞rte at mapagkumbaba Walang reklamo kaht nawalan sya ng trabaho sa showb𝔦z hndi g𝔞ya ng ibang artista panay reklamo nun nawala sa Showb𝔦z Eto tunay na madiskarte.”

Sabi naman ni Jun Dela Cruz :
“This kind of vl𝔬g is educat𝔦onal and very enterta𝔦ning. Hindi puro scr𝔦pted or eme eme chall𝔢nge, kab𝔦t 𝔦ssues, mock𝔦ng. Keep it up Sir Jimmy Sa𝔦nts! Kudos!”