Ang mga tao ay likas na tumatanda sa paglipas ng panahon kaya naman marami ang nagnanais na magkaanak nang sa gayon ay mayroon silang makakasama sa kanilang pagtanda at inaasahang hindi basta basta iiwan.

Madalas na hindi nagkakaunawaan ang mga magulang at anak dahil sa layo ng pagitan ng edad ngunit hindi nangangahulugan na ito ay iyong tatalikuran at pababayaan.

Isang post mula sa netizen na si Kristine Vargas Tata dang ikinagalit ng mga nakabasa dahil sa ibinahagi nitong kalagayan ng kanilang matandang kapit bahay.

Ayon sa kaniyang post, isang matandang babae ang iniwan ng sariling anak at natagpuan sa ilalim ng lababo nang walang saplot at pagkain maski tubig sa isang mabaho at walang kagamit gamit na bahay paupahan.

Higit pa doon, tinakpan ito ng plywood at malaking container ng tubig upang hindi makita ang matanda.

Agad na rumesponde ang nanay ni Kristine at iba pang kapitbahay. Maririnig sa video kung paano naglabas ng sama ng loo bang matandang babae at sinabing iniwan siya ng kaniyang mga anak ng ganon ganon na lang.

Dali dali namang umuwi ang nasabing anak at binigyang linaw na hindi naman nila intensyon na iwan ang kaniyang ina bagkus ay inuna lamang nilang ilipat ang kanilang mga gamit at saka babalikan ang ina.

Ngunit hindi naniwala ang karamihan dahil dapat ay ginawa nilang prayoridad ang matanda kaysa sa kanilang mga gamit.

Bukod pa doon, mukhang wala naman silang balak uwian muli ang matanda kung hindi sila i-message ng mga taga barangay.