May mga bagay at pangyayari tayong hindi maipaliwanag. Sa paglipas ng panahon ay unti- unti na nating natutuklas ang mga palatandaan ng mga pangyayari noong unang panahon pa.

Halong emosyon ang ating nararamdaman sa tuwing atin itong nasasaksihan.

Kagaya ng mga pasa- pasang kwento noon na mula pa sa ating mga ninuno, mayroon daw mga misteryosong lugar na lumulubog at bigla na lang ding lumilitaw.

Pinaniniwalaan nila itong isang milagro na nagaganap minsan sa buong buhay ng tao.

Nito lamang nakaraang buwan ng Hunyo 26, 2020 sa Nueva Ecija ay bigla na lamang lumitaw ang isang parte ng dating lumubog na bayan sa Pantabangan.

Isang residenteng nagngangalang Kashiee Recio ang siyang kumuha ng larawan at ngayon ay viral na na social media.

Tunay ngang nakamamangha ang mga ganitong pangyayari. Ayon sa kaniya, noon daw ay krus lamang ang kita dito at dinadayo ngunit bigla na lamang bumungad ang lumang sementeryo at dating bantayog ni Dr. Jose Rizal sa kaniyang paningin na tila ngayon niya lang napansin.

Base naman kay Tourism Officer Emisonia Gante, noong 1974 daw ay inilipat sa isang resettlement area ang mga mamamayan doon dahil ginawa na itong dam na kung saan malaking tulong para sa mga bukirin sa Gitnang Luzon.

Ito ang dahilan kung bakit tuluyang lumubog ito at naging tourist spot na lamang.