Iba iba ang estado ng buhay ng mga tao. Mayroong mga nakaaangat at mayroong nasa laylayan.

Ngunit sa kabila ng karangyaang nararanasan ng iba, nagdedesisyon silang mag abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Sabi nga, kapag nag uumapaw ang iyong biyaya, nangangahulugan lamang iyon na mayroon kang kakayanang ibahagi ito sa iba.

Kagaya na lamang ng mag- asawang ito na naglilibot sa probinsya ng Bohol upang mamigay ng libreng bahay at iba pang tulong para sa mga mahihirap.

Ang mag- asawang ito ay sina Terrence at Beth Martin. Noon pa man ay kilala na sila sa kanilang pagiging bukas palad sa mga nangangailangan.

Umabot na sa 65 bahay ang kanilang naipatayo at naipamigay ngunit nais pa nila itong dagdagan pagkat marami pa din ang walang tirahan.

Ibinahagi ng netizen na si Ronal Casil ang patotoo patungkol sa mag- asawang ito. Bukod daw sa pabahay, marami din silang napag- aaral na estudyante at nagbibigay ng kambing, baboy, kalabaw yung ibang mga pamilya bilang kabuhayan.

Narito ang kabuuang post:

“ANG MAG-ASAWANG NAGLILIBOT SA PROBINSYA NG BOHOL UPANG MAMIGAY NG BAGONG BAHAY PARA SA MGA MAHIHIRAP

Ika-65 na bahay na ang kanilang pinagawa at ibibigay sa mga taong wala nang maayos na tulogan at lalo na sa mga nagtitiis sa mga sira-sirang tahanan dito sa probinsya ng Bohol.

Ayon sa mag-asawa, hindi lang hanggang ika-65 dahil may mga ka sunod pa ang mga ito at ginagawa na rin para ibigay din sa mga walang maayos na matutulugan.

Hindi nila alam kung hanggang saan at ilan ang kanilang mabibigyan ng bagong bahay dahil gusto talaga na makatulong lalong lalo na sa mga mahihirap at para narin makatulog ng maayos ang isang pamilya.

Bukod sa mga binibigay ng bahay may mga pinapa-aral din ang mag-asawa at nasa higit 50 studyante ang kanilang sinu-supportahan.

Dagdag rin ang mga allowance, selpon, Laptop, Printer at iba pa. Pinagawan din nila ng Boarding House ang kanilang mga studyante upang hindi na ito mahirapan sa pag-uwi sa isla.

Binibigyan din nila ng kambing, baboy, kalabaw yung ibang mga pamilya upang may magamit sila panimula sa kanilang ikinabu-buhay.

Maraming salamat po sa inyong kabutihan at please Subscribe to A Foreigner in the Philippines!”

Source: Facebook ,