Naantig ang puso ng mga netizen sa dalawang bata na bumili ng damit sa isang ukay-ukay para ipang-regalo sa kaarawan ng kanilang mahal na Ina.

Labis ang tuwa rin at paghanga ng mga netizen sa mga bata dahil sobrang sweet at maalala-hanin sa kanilang Ina.

Para sa mga netizen sobrang swerte ng magulang ng dalawang bata dahil mayroon silang mga malalambing na anak. Dahil kahit sa mürang edad ng mga ito ay naipapakita na nila ang kahalagahan ng kanilang Ina.

Sa tulong ni Sarah Alexandrea Daculap, kanyang ibinahagi sa social media ang isang larawan kung saan ang dalawang bata ay may hawak na damit.

Kwento ni Sarah, nag-aantay siya ng mga customer na bibili ng mga damit ng dumating ang dalawang bata na kaagad naman pumili ng damit.

Kaya naman agad itong tinanong ni Sarah kung para kanino sambit naman ng dalawang bata na para sa kaarawan ng kanilang Nanay.

Natuwa naman si Sarah ng ito ay kanyang marinig. Saad niya na napaka-sweet umano ng dalawang bata dahil nakaisip itong regaluhan ang kanilang Nanay.

Sa kasalukuyan ang post na ito ni Sarah at umaabot na ng 20K shares at mayroon namang 50K reactions.

Narito ang ilang komento ng mga Netizens.

“Naiyak nman ako.. Ang sweet nman ng mga batang yan”

“Nai-imagine ku agad reaction ng mama nila”

“This story made my Day!”

“Sana tularan sila ng ibang mga bata sa pagmamahal nila sa kanilang mama”