Sa nagdaang Father`s Day kamakailan ay nakasama ng Aktres na si Meryll Soriano ang kanyang Ama na si Willie Revillame.

Ipinagdiwang nila ito ng kasama ang Pamilya ni Meryll at amang si Willie sa isang Private Resort sa Puerto Galera na pagmamay-ari mismo ni Willie Revillame.

Ang naturang kagandahan ng Isla ni Willie ay ibinahagi at ipinasilip mismo ni Meryll sa kanyang Latest Vlog.

Sa simula ng kanya video sa vlog ay makikita tinuturuan pa si Meryll ni Kuya Wil kung paano mag spiel.

Naging Stage Dad ang datingin ni Kuya Wil na minumwestra sa anak ang dapat nitong gawin sa harap ng camera.

Hindi naman maitatago kay Kuya Wil ang tuwa habang karga-karga nito ang kanyang bunsong apo na anim na buwan na anak nina Meryll at Aktor na si Joem Bascon.

Kabilang sa mga ipinasilip ni Meryll sa Isla ng kanyang ama ay ang malaking bahay na pinagpaguran umano ng kanyang ama.

Unang ipinakita rito ay ang front deck ng bahay kung saan tanaw na tanaw ang kagandahan ng Isla sa Puerto Galera.

Ipinasilip din ni Meryll ang Yate ng kanyang Ama kung saan kadalasang nag-iisip ang TV host tungkol sa kanyang trabaho.

Maging ang mga activities na ginawa ng buo nilang pamilya ay kanyang isa napakagandang isla ay kanyang inirecord.

Sinubukan din ni Kuya Wil ang kanyang helicopter at nagsilbi siyang Piloto nito sakay ang kanyang Apo.

Kasama din sa kanilang celebration ang mga kapatid ni Meryll na sina Wammy at Marimonte na malapit sa isa`t-isa kahit pa magkakaiba ang kanilang mga Ina.

Dagdag pa umano ng Aktres na minsan lang daw sila magkasama-sama dahil magkakalayo ang kanilang mga bahay.

Sa mga hindi nakaka-alam hindi nagkakalayo ang edad ni Wammy sa Anak ni Meryll na si Elijah Palanca.