Tungkulin ng isang guwardya ang panatilihing mapayapa ang isang lugar. Pagiging alisto at mapagmasid sa paligid. Ito ay ilan lamang sa kanilang dapat gawin.

Tungkulin nila ay protektahan ang buhay at mga ari-arian at panatilihin ang kaayusan sa aking nasasakupan.

Nguni tang bawat emplayado ay tao rin. Hindi basehan ang antas ng buhay o kung gaano pa kababa ang iyong pwesto.

Bilang isang tao, tayo ay may kaniya kaniyang karapatan na pinanghahawakan mula nang tayo ay mabuhay hanggang sa tayo ay måm@tay.

Ang simpleng pagkakaroon kahit saglit na oras para sa pagkain o pamamahinga kagaya ng tinatawag na “Breaktime” ay isa sa karapatan ng bawat isa ng empleyado kesyo sa opisina o hindi.

Sa kasalukuyan, tila ba’y naaabuso na ang ilan. Hindi nagkakaroon ng kalayaan ng sapat na karapatan kahit man lang sa simpleng pamamahinga ay napagkakait pa.

Kagaya na lamang ng isang guwardyang ito na nakuhanan ng litrato ng isang netizen na kumakain habang na katayo.

Ayon sa caption ng litrato ay, “Real life tayo… ayan si kuya.. napatulo luha ko habang pinagmamasdan ko siya kumakain.?

Sobrang awa naramdaman ko sa kanya kasi ito ang rason. Naawa ako at nasasaktan.

Nag-iisip na sana bigyan naman ng kaunting oras para kakain ng maayos.

Oras ng pagkain, trabaho pa din kahit man sana 15 min break for lunch di ba?”

Ayon sa netizen, inabutan niya din ito ng pang meryenda at natuwa naman ang naturang guard. Nangyari daw ito sa may Padalahan ng Pera.

Dagdag pa niya, “Saludo ako sayo kuya. Mabuhay ang mga nag hahanap buhay ng marangal”

Source: The Relatable