Nauuso sa social media platform na Facebook ang pag-oonline live selling marami na rin ang mga negosyante na yumaman dahil sa pamamagitan nito.

Maging ang mga kilalang personalidad sa bansa ay pinapasok na din ang pag-oonline selling lalo na ngayon na may pandemya dahil karamihan sa mga store ay bawal mag bukas kaya naman malaki ang tulong ng online live selling para sa mga nag-nenegosyo.

Samantala, maging ang mga artista ay nawalan ng trabaho dahil rin sa pamdemya kaya naman ang ilan sa kanila ay sumabak din sa pag oonline selling at isa na nga diyan ang aktor na si Aljur Abrenica.

Nito lang ika-17 ng August araw ng Martes, nagpost ang aktor na si Aljur sa kanyang official Facebook account ng ilang litrato ng kanyang mga gamit.

Pahayag niya sa kanyang post,
“Guys! Ill be going live later – Tuesday Aug 17 at 5pm. I’ll be doing a live selling / auction to some of my pre-loved and even brand new items! Don’t miss it! Baka may ma type-an ka! See you!!”

Sinabi ni Aljur sa panimula ng kanyang live selling ang mga damit niyang binebenta ay mga personal preloved niya na ayon sa kanya ay hindi niya nagagamit at kaysa itambak niya ay naisipan na lamang niyang ibenta.

Ayon pa sa aktor ang karamihan daw sa kanyang mga item na ibinebenta ay isa o hanggang dalawang beses niya lamang naisuot.

Ang ilan ay nagamit lang daw niya sa taping at mayroon naman na hindi niya talaga nagamit o naisuot.

Kasama rin ang ilan niyang mga sapatos ana kanyang ibinebenta na hindi niya nagagamit.

Bagamat hindi siya ang nagsasalita sa live selling ay nakikisali din naman ang aktor, siya ang nagsusuot ng mga damit para makita ng mga viewers ang fitting.

Maraming netizen naman ang sumusuporta sa pag la-live selling ng aktor may iilan pa nga na binibiro ang aktor na kung meron ba daw na mga gamit na brief na hindi pa nalalabhan at iyon ang kanilang bibilihin.

Narito sa baba ang video ng pagla-live selling ni Aljur Abrenica.