Isa ang singer at aktres na si Angeline Quinto sa pinaka-magagaling ma mang-aawit sa bansa. Ang 30 taong gulang na mang-aawit ay itinanghal na Kampeon sa Programa ng ABS-CBN noong 2011 na “Star Power: Sharon’s Search for The Next Female Pop Superstar”.

Si Angeline ay kabilang rin sa Filipino girl group na “DIVAS” kung saan kasama niya dito ang mga magagaling din na mang-aawit na sina KZ Tandingan, Yeng Constantino at Kyla.

Ang aktres na si Angeline ay mas kilala sa palayaw na ‘Angge”, isinilang ang singer noong ika-26 ng Nobyembre 1989. Ang mga magulang ng singer ay sina Pop Quiros at Rosemarie Susan Mabao.

Samantala naikwento ng kanyang Ina na noon daw sana ay ayaw na niyang ipagbuntis si Angge dahil sa ama nitong mapang-abuso. Subalit dahil sa kasalanan ng Diyos ang kanyang gagawin ay itinuloy niya ito.

Dagdag pa riyan ang tiyahin naman ng kanyang Ama na si Sylvia Quinto ang nagkumbinsi sa Ina ni Angge na huwag na siyang ipalaglag at siya na ang bahalang maglalaki sa bata.

Ngunit ng maipanganak na si Angge ay umalis na ang Ina nito at nagpakalayo-layo iniwan si Angge sa nag-ngangalang “Mama Bob”, habang ang Ama naman ni Angge ay nagkaroon ng ibang Pamilya.

Habang lumalaki ang singer ay nalaman niya na siya ay ampon at hindi naman nawala ang komyunikasyon niya sa kanyang ama ngunit ang tunay niyang Ina ay hindi pa rin niya nakilala.

At makalipas ang 20 taon ay nakilala na niya ang kanyang tunay na Ina. Taong 2012 ng malaman niya ang totoo na ang tunay niyang Ina ay pinsan ng komedyante na si Rufa Mae Quinto.

Napag-alaman na marami din sinalihan si Angge na mga singing contest sa kanilang lugae ngunit karamihan dito ay natatalo siya. Subalit hindi tumigil ang singer at ipinagpatuloy ang pangarap.

At hindi nagtagal ay pumanig na ang pagkakataon sa singer at bumuhos ang biyaya sa kanya na lahat naman nakuha dahil sa kanyang pagsusumikap at paghihirap.

Subalit ayon sa singer/aktres kahit pa siya ay sikat na ngayon at nakagagaan sa buhay nanatili siya sa pagiging natural at sanay sa mas simpleng pamumuhay.

Hindi naman nakakapagtaka na Siya ay kumasa sa isang challenge na “Overnight Kubo Challenge” kung saan siya ay maninirahan sa isang kubo sa loob ng isang araw at gabi.

Dahil sa kwento na ito ni Angeline bumilib at humanga sa kanya ang mga Netizen. Napansin din ng mga Netizen ang pagiging natural ng singer at walang kaarte-arte sa katawan.