Marami na ang nagpatunay na hindi sukatan ang dami ng taon upang masabing ito na ang makakasama mo habang buhay.

Ang pagpapakasal ay isang lifetime commitment na panghahawakan at papanagutan mo sa hirap at ginhawa.

Kung ating iisipin, tunay na nakakadurog ng puso at pagkatao kapag narinig mo mismo sa taong nais mong makasama habang buhay na hindi siya handang sumama sa’yo sa pagtanda matapos ang napakaraming taon ng inyong pagsasama at pagmamahalan.

Ngunit nagsilbing inspirasyon si Manna Samantha Luna o Sam na hinangaan maraming tao lalo na ng mga kababaihan matapos ituloy ang prenup shoot ng kaniyang ex fiancé na 7 taon niyang naging karelasyon.

Hindi naging madali para kay Sam na harapin at tanggapin ang lahat.

Kwento niya, “May gown na ako, so ‘yun. Then one day bigla na lang na ayaw na niya. Ang sinabi niya sa aking reason is hindi niya kayang ibigay ‘yung love na binibigay ko sa kaniya.”

Matapos ang dalawang taon ay napagdesisyonan niyang ituloy ang prenup mag- isa. Kitang kita kung gaano siya kaganda habang suot ang puting gown na ito. Bakas sa kaniya ang pagbangon ng isang metatag na babae.

Hindi nagpatinag si Sam sa kaniyang matinding heartbreak na dinanas Sa katunayan, siya ay nagtuloy sa kaniyang pangarap na maging doctor at inumpisahan ang pag- aaral sa isang medical school. Samantala, ang kaniyang ex ay mayroon nang bagong karelasyon.

Nagbitaw siya ng ilang tips para sa mga kagaya niyang iniwan ng luhaan “First is to acknowledge na wala na. Then after that, i-accept mo na hindi na nga mangyayari talaga.

Iiyak mo ‘yon, isigaw mo kung anong gusto mong gawin. Basta i-feel mo, mag-grieve ka about it.”

“Siyempre kailangan may will ka, kailangan gusto mo rin talagang mag-move on.”